FS: 70% MALE πŸ‘ΆπŸ’™

Hi momshies sana may makasagot. Gusto ko na kasi malaman ang gender ni baby para maka start na ako ma ipon ng gamit niya. Nagpa ultrasound ako nong 21 weeks and 3 days ako, then sabi ng sonologist 70% MALE daw. May case ba dito na nagbigay ng percentage si OB or Sono then yon na talaga ang gender niya? Like naging 100% sure din sa huli? Naka breech position kasi si baby that time. #baby #ultrasound #mother #pregnancy

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hi mommy. Next ultrasound mo, kumain ka po muna ng chocolate 15 - 30 minutes before para medyo mahyper si baby. Advice lang din naman ito sa akin. Tapos nung first BPS ultrasound ko, pinakain din ako nung assistant ng OB 30 mins before. Nung around 18-19 weeks po kasi ako, sabi ni OB possible na makita ang gender (pero hindi pa nagpakita gender ni baby nun tapos breech din sya). Sabi sa akin baka daw girl kasi normally daw po kapag boy kita na agad kahit breech. Pero hindi pa po ako bumili ng gamit nun. At hindi din naman po kita dinidoscourage na bumili na kasi mabigat din talaga sa bulsa kung sabay-sabay ang pagbili. So ang suggestion ko po ay same lang din ng other mommies na nag comment na dito. You can buy essentials (baby wipes, newborn diapers, cotton balls, alcohol, baby wash, etc) at sa clothes naman po yung neutral colors (white, beige, brown, gray) or kahit baru-baruan lang muna pero wag mo po karamihan kasi mabilis lumaki ang baby. Pwede rin naman po na bumili ka na din ng magagamit when you give birth (adult diaper/maternity pads, Betadine feminine wash, nursing bra/nursing pillow if you're planning to breastfeed exclusively). Other things na pwede mo pa bilhin for your baby are bath towel, wash cloth, bibs, socks receiving/muslin blanket, mittens, bonnets, burp cloth/lampin but make sure na neutral colors sya. Pwede din na bumili ka na nung malalaking gamit like bathtub, crib/playpen, stroller, high chair. Suggestions lang naman po ito. 😊

Magbasa pa
2y ago

true ako neutral color lang binili ko kasi para magamit din next time pag nagkababy ulit kami.

sa akin sa una 80% baby boy Pero hindi pa rin ako bumili agad ng mga pang baby boys πŸ˜… kasi may 20% chance na girl pala... syempre gusto ko sure 100% kaya sa una mga essentials muna binili ko at mga damit na neutral colors... nung nirepeat ultrasound ng 7mos dun naging 99.9% daw na boy kaya saka ako namili ng gamit😁 btw breech din si baby ko e mahirap nga agad magpakita ng gender lalo na kung nahaharangan ng legs

Magbasa pa

ako mi nung 23weeks ako nagpa utz ako. ang tagal nya hinahanap ang gender kasi nagtatago. tsaka naka breech position pa sya that time. tas sabi ng sono 60% male daw kaya pinababalik ako. then nung 32weeks ako (cephalic position na) bumalik ulit ako sa kanya then ayun nakita na 100% girl na. kaya dun palang kami namili ng mga gamit. 😁

Magbasa pa

Ako mies 21 weeks and 5 days ako nagpa ultra sabi ng doctor girl daw baby ko and totoo nga girl talaga pag labas. Possible boy talaga yan mies, Pero wag ka muna bumili ng maaga ng gamit ni baby mga 8 months na siguro kasi sabi ng matatanda panget daw pag maaga ka mamili baka may masamang mangyari. Simbako lang.

Magbasa pa

Mi pag gusto mo na bumili ng gamit, go lang. Pero make sure na neutral colors lang muna πŸ’— Minsan kasi ang sarap sa feeling na namimili ng gamit kahit malayo layo pa. Try mo mag stock na ng mga baby essentials diapers, sabon, wipes ganon. Tsaka mo na bonggahan yung bili pag panatag kana na boy πŸ’—

mas ok pa rin talaga na prepared tayo sa mga gamit ni baby lalo na kung tight ang budget. wala naman yan sa mga pamahiin na wag muna bumili or maghntay muna sa gender. pwede ka magstart bumili ng nga baby essentials na di kelangan ang gender ni baby like diapers, wipes, baby bath, crib etc.

2y ago

yes mi. ang hirap din kasi kapag isang bagsakan yung pag bili mo. mas okay yung pa unti2

Sakin nman po noon 18 weeks pregnant ako nkita na agad na 100% boy breech sya noon at subsob pa ang mukha nya sa tyan ko pero ang balls daw at lawit proud n proud na pinakita nya at every ultz ko tlgang boy sya at now na 27 weeks ako naka position n sya

Hi mi , dapat 7 months or 8 months kpa bibili ng mga gamit ni baby kahit alam mo na gender kasi sa kasabihan ng mga matatanda bawal pa dw bumili ng mga gamit ni babyy subrang aga pa ng 21 weeks pra bumili ka ..

2y ago

Ako as early as 18weeks alam na namin gender, nagstart na din kami mamili. Di kasi ako naniniwala sa mga pamahiin unless my basis. Mahirap yung late ka na mamimili, una nakakapagod kaso malaki na tyan mo, ang hirap maglakad at kumilos, pangalawa sa iba mabigat yung isang bagsakan.

ako mi 18weeks sabi ni ob 80% boy kasi ayaw daw ipakita ni baby after 2weeks 200% sure na daw na boy kahit breech position pa sya at pinipilit pa din ni doc si baby na ipakita gender nya. πŸ˜…

ako 3months ultrasound ko 70% sinabi BOY pero then 6months ultrasound confirm BOY nga po kaya nagstart nadin ako mamili ng gamit ni baby nung nasa 7months na and now I'm 8months and 2weeks na.