27 Replies
3months preggy here, sinanay ko na din sarili ko sideways pag matutulog. Dati lagi akong nakatihaya kasi dun ako komportable but now binago ko na kasi pag nakatihaya ako bumubukol si baby sa bandang puson malapit sa pempem sobrang tigas ng pagkabukol at medyo masakit din. Natakot ako kaya binago ko na position ko pag matutulog. Nawawala din naman agad pag tumagilid nako. Advice din ng iba na much better kung nakatagilid lalo na sa left side.
Ako din hirap na hirap ako sa left side nung una. Pero sinanay ko sarili ko mula nung nabuntis ako at nalaman ko na best sleeping position is ung naka left side. Kahit anong ngalay ng balakang at naiiyak nako noon sa sakit ng likod ko tiniis ko lahat dahil baka sa huli magsisi ako. Try mo lang momsh pag sumakit lagyan mo likod mo ng unan if wala kang pregnancy pillow. Kaya natin to once na makaraos tayo kahit ano position pwede naπ
Dapat talaga left side lagi, pag nangangalay na katawan mo tsaka ka lang titihaya "PERO" hindi dapat magtagal kasi may effect kay baby, tiis lang po π para kay baby. pag nakaraos naman na kahit anong posisyon na gusto mo. much better maglagay ka madaming unan sa likod mo pag naka left side ka na π
ako din hindi sanay,pero nung nabuntis ako,sinanay ko na sarili ko matulog ng nkatagilid...left side po talaga,kapag ngalay na saka na ako lilipat sa right...nilalagyan ko ng unan ung likuran ko para hindi ako tumihaya...tiis lng sis para kay baby....
Nakaka-cause siya ng stillbirth as per my OB. naiipit kasi ung nerve na nagdadala ng blood and oxygen sa uterus kapag nakatihaya ka. Gamit ka ng pregnancy/maternity or kahit ordinary pillows para maging comfortable ka mahiga nang nakatagilid.
sa totoo lng mhirap mtulog ng nakatagilid lalo na kung nasanay ng patihaya... kaya kahit masakit minsan ang gilid ko tinitiis ko na lng for baby.. kaya bago ako makatulog. ilang sideways pa ang magagawa ko...
1st trimester ko nka tgilid pero nung lumaki n tyan ko mataas ung unan ko na ndi na tlga ako mkahinga pag nka left or right position hanggan 5mins. Lang tinatagal ko nbalik na ako ng nka mataas unan..
i have a cousin na laging natutulog on her back, sad to say stillbirth ang baby, ako kahit super sumasakit na back,i just use maternity pillow para mas comfy kahit papano,konting tiis nalang kesa mapano baby
yes mommy thank you po βΊοΈ
Try your best to sleep sideways Momsh, para sa supply ng oxygen and normal blood flow ni baby.It's alright if magising ka nka-straight, pero always try your best na sideways para sa health ni baby
nung preggy pa ako, sinanay ko talaga matulog sa left side based sa mga nabasa ko na articles mas optimal ung blood flow sa katawan ni mommy so mas nadedeliver kay baby ung nutrients
Ma. Eurika Enal