Yaya/ Nanny/ Back to work
Momshies, magback to work na kasi ako sa October. Need ko lang ng kausap? Or assurance siguro. Pahelp naman po sa concerns ko: 1. Paano niyo nilabanan yung separation anxiety? Wala pa man pero nalulungkot na ako pag naisip kong first time namin maghihiwalay ni baby, 11 hours every working day kasama ang travel. 2. Magkano po ang rate ng yaya? As in focus lang sa tasks na related kay baby. Province po kami, Laguna specifically. Ano po yung usual/ important terms & conditions niyo sa yaya? 3. Sa mga bf mommies, kapag nagpump po kayo ng gatas sa office tapos ilalagay sa thermal bag, pag-uwi niyo sa bahay saan niyo siya nilalagay, sa ref lang or sa freezer? Tapos paano niyo ithaw yung breastmilk or ilang oras niyo siya ilalabas bago ipainom ng tagapag-alaga. Salamat sa mga sasagot. #firsttimemom #needhelp