My Birth Story

Hi, momshies! I just wanted to share my birth story with you since sobrang dami ko ring natutunan dito sa app. ✨ *Please note na iba-iba tayo ng experiences. 😊 March 04 (Thursday) - I went to my OB for my 37th week check up. Pag IE nya sakin, 2-3 cm na so she said na anytime pwede na ako mag labor. That afternoon, nag start na ako maka feel ng mild contractions. May spotting pero since na IE ako, normal lang daw yun. Nag walking pa rin ako nung afternoon pero hindi na ako kumain masyado just in case mag progress ang labor. March 05 (Friday) - I saw the mucus plug na when I woke up. No more mild contractions so nag walking pa rin ako ng morning. Nung mga tanghali na, nakaramdam na ako ng parang nangangawit yung pwerta. Alam nyo yung feeling kapag may period? Ganun. Pero wala nang spotting so continue lang sa household chores. Nag walking ulit ako ng hapon. March 06 (Saturday) - Nag walking ako ng morning. Wala ako na feel na anything so I thought, false labor lang yung nakaraan. I remembered hindi pa ako mag poop so uminom ako ng taho para lumambot ang poop and hindi ma pwersa yung pag ire ko. Mga 10 am after breakfast, success naman. Pero weird na yung feeling ko afterwards. Parang dysmenorrhea so I started timing the contractions. Mga 2 hours naman per contraction so deadma ako. At around 2 pm, nag poop ulit ako and mejo malambot na talaga. Lalong dumalas ang contractions. Nag walking ako around 4:30 pm kahit na masakit na konti yung contractions. Mga 5 pm, I decided to take a bath. Biglang nag progress yung contractions ko from every hour to every 15 minutes. We went to the hospital agad and pag IE sakin, 8 cm na! I started having an active labor at 6 pm and we had to wait for my OB to arrive before I can give birth. Sobrang sakit na ng contractions to the point na sumisigaw na ako sa delivery room and kahit sinasabi ng nurses na wag muna umire, I still did kasi nakaka relieve sya ng pain (at least for me 😊). Then, mga 7:30 dumating si OB (yey!) and hindi pa sya nakakapag ayos umiire na ako so she guided me na. Ayun, after 1 long push, nailabas ko na si baby. Ibang klase yung ginhawa talaga paglabas nya. I heard his cry na and nagpasalamat ako na hindi nya ako pinahirapan. 😊 So, to all the momshies who are about to give birth, ooβ€”sobrang hirap mag labor talaga but trust me (and the other momshies as well who attested to this), everything will be worth it. Napaka powerful ng katawan ng babae. Hindi ibibigay satin yung kakayahan na manganak kung hindi natin kaya. Tips while on active labor? PRAY, PRAY, PRAY. πŸ™πŸΌ Good luck and have a safe delivery to all the pregnant momshies out there! 😊

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply