I'm alarmed yet the hospital sucks.

Momshies, help. 18 weeks pregnant. They told me na magpa ultrasound. Pagbalik ko dun, binigay ko ang results and ang sabi lang is "Normal naman, mababa baby mo at kung laging sumasakit, baka mahina ang kapit." Siyempre mga mamsh na-alarma ako dun. Sabi ng laboratory ipa read ko raw yung result, ASAP. tapos pagkasabi nila non sa ospital, nagstart ako mag-ask like "Ano po ba pwedeng gawin?" "Wala po ba siyang defects because di ko po alam nun na preggy ako, nakainom ako ng mga antibiotics for my UTI" "May iinumin po ba para di bumaba nang bumaba si baby?" hanep sila hahaha. Ang sabi ba naman "Ngayon ba check up mo na sinabi ko?" sabi ko no pero sabi ng lab, ipa-read ko na raw. Ang sabi pa "Oh edi bumalik ka sa scheduled date mo, huwag ngayon. Dun ko sasagutin mga tanong mo." WTF!? HAHAHA. Siya na nagsabi na mababa baby ko which is not safe. Tapos pababalikin pa ko next month para lang sa sagot nila. What if may mangyari kay baby before check up ko diba? Hays.

102 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sana kinuha mo name ng kausap mo, kung doktor man yan pwede mong ireklamo yan sa hospital and/or PRC. Lipat ka na ng ibang ospital or clinic. Mas okay kung makakahanap ka ng ObGyne/Sonologist para pag inultrasound ka diretso basa ng result.

Luh grabe naman.. pag may mga case na ganyan dpt kahit ndi araw ng balik mo e ientertain ka, bastos naman pala yan kausap mo.. naturingan may pinag aralan, magpalit ka nlng ng OB sis. Dapat OB na friendly at ung comfortable ka kausap

Palit OB na po mamsh agad! Kung ngayon palang hindi na masagot mga questions mo what more pag trimester na, madami ka na mararamdaman na hindi mo maintindihan kung normal. And feeling ko pag nanganak ka wala rin care.

If you are not comfortable with your ob hanap ka nalang ng iba. Ako nga ay ngpalit ng ob dahil nakaka.intimidate yung unang ob ko. Put your and your baby's comfort and safety first wag kanang magantay nang next week.

Lipat ka na ng OB while maaga pa. Ako lumipat ako at 19 weeks. Dapat pag may nakita siya na problema i address na nya kagad with the right meds. At least ginagamot mo na habang naghihintay ka ng next checkup.

Lipat ka ng OB mommy.. Ako tatlong beses ako lumipat ng OB hanggang sa mkhnap ako ng better OB na tlgang lahat ineexplain and super baet and approachable.. Ingat dn mommy wag syado stress and tagtag

VIP Member

Bedrest ka lang sis mahirap pag mababa at mahina kapit ni baby full bedrest ka lang mahirap mawalan ng baby sis kaya makinig ka 2times na nawala baby ko kasi tag tag ako at mababa sya.

change OB mommy grabe naman yan. yung OB ko pinapagalitan ako pag nagpapasaway ako lalo na sa pagtitipid ko sa vitamins. at talagang reply agad sya sa txt ko kapag nagtanong ako..

Wag kna po dyan. Halatang wala silang care sa patient nila. Trabaho lng nila inaalala nila. Lipat kna po agad momshies. Andameng ibang OB dyan. Ingat po palagi and God bless.

VIP Member

Change OB na po agad. Wag nyo na pong hintayin yung 1month na sinasabi nila bago masagot tanong nyo, hanap na po kayo agad ng ibang OB para na rin mabigyan ka ng vitamins