I'm alarmed yet the hospital sucks.

Momshies, help. 18 weeks pregnant. They told me na magpa ultrasound. Pagbalik ko dun, binigay ko ang results and ang sabi lang is "Normal naman, mababa baby mo at kung laging sumasakit, baka mahina ang kapit." Siyempre mga mamsh na-alarma ako dun. Sabi ng laboratory ipa read ko raw yung result, ASAP. tapos pagkasabi nila non sa ospital, nagstart ako mag-ask like "Ano po ba pwedeng gawin?" "Wala po ba siyang defects because di ko po alam nun na preggy ako, nakainom ako ng mga antibiotics for my UTI" "May iinumin po ba para di bumaba nang bumaba si baby?" hanep sila hahaha. Ang sabi ba naman "Ngayon ba check up mo na sinabi ko?" sabi ko no pero sabi ng lab, ipa-read ko na raw. Ang sabi pa "Oh edi bumalik ka sa scheduled date mo, huwag ngayon. Dun ko sasagutin mga tanong mo." WTF!? HAHAHA. Siya na nagsabi na mababa baby ko which is not safe. Tapos pababalikin pa ko next month para lang sa sagot nila. What if may mangyari kay baby before check up ko diba? Hays.

102 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Change OB na mamsh. Langya yan. Ako nga eh tatlo OB ko. Sa center, sa public at private😂 kaya hndi na ako masyadong nag woworry kpag hndi good ung isang OB. 😏

palit ka na ng OB busy masyado si doctor urgent case mo sana man lang nasagot niya mga tanong mo saglit lang naman iyon. Sana naresetahan ka man lang niya ng pampakapit

palit OB na. nagsisimula ka pa lang ganyan na sila pano pa sa next few months. kailangan mo yung makakatulong sayo hindi yung dini dismiss lng concerns mo.

What if din mag palit kana ng ob diba? Alam mo naman ang tama sa mali. Kung hindi ka nila priority edi huwag kana bumalik diyan. May 10folds karma din yan.

Change Hospital or change OB. Kase pano kung life and death situation na tapos ganyan pa ang gagawin nila, wala man lang sense of urgency.

VIP Member

Palit ka na OB. magandang OB may passion sa ginagawa at may pakialam sa pasyente. Mahihirapan ka kapag lumaon pag hnd ka nagpalit..

Tama momshie lipat ka na lang po ng Ob.. OB na dapat feel mong komportable ka dahil sya ang magaalaga sainyo ni baby mo...

hanap ka po ng ibang ob.. walang kwenta yan..hhintayin pa talaga yung check up para sagutin..kdalasan gnyan sa hospital..

Nakoo mamsh magpalit ka na ng ob. Hindi porket nakasched check up mo e di na niya papaliwanag yung result. Mukhang pera.

Palit ka ng OB ko mamsh. OB ko hindi ko nakitaan ng irita sakin kahit napaka kulit ko text ng text sa kanya or anything.