bawal daw ??

Hi momshies bawal ba talaga kumain ng saging kapag buntis ?? Araw2 kase aq kumakain ng saging since nung nabuntis aq until now.. My masama ba mangyayari ?? 31 weeks here?

62 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ano sinabeng rason bakit bawal ang saging? Healthy yun para sa inyo ni baby. Mataas din yun sa potassium para iwas manas. Baka ang sinasabeng bawal e yung saging na nakakapagpatigas ng poops. Constipated kasi tayo pag buntis kaya bawal yun. Latondan yata yun. Di ko sure tawag. Hehe

Hindi totoo yan. Dyan ko napaglihian ung panganay ko nga e. Hehe. Mukha nga lang sya saging, payatot na matangkad. Haha. Pero true, hindi bawal yan, laking tulong yan lalo pg 3rd trimester kasi mdalas na tayo magcramps sa bigat ng tyan.. 1-2bananas a day is enough :)

Ok lng ang saging kung d ka nhirapan mg poops.. Ang latundan po nkakatigas.. Ung lacatan nmn hnd xa nkakatigas ng poop pero Nkakalaki ng poops.. Healthy xa pero nung ng 6months na tyan q Iniwasan q na kc nhirapan aq sa pag dumi,..

Healthy po satin yan saging momsh, kasama yan sa top foods na kelangan natin iintake mga preggy.. inom na lang din ng enfamama/anmum or kahit ano pambuntis na gatas para di ganon katigas ung poop natin 😊

VIP Member

Very good ang pagkain ng saging since 1st day ng pregnancy mo, kasi ang saging more on potassium, which is nagpprevent yun ng pagkabungi, at pagkasakit ng mga kasu-kasuan na madalas mangyari sa mga buntis.

VIP Member

Ako po every day kumakain ng saging since nagbuntis ako until now po 26weeks na..hindi po complete ako ng hindi nakakain e. hindi naman ako nahihirapan magpoops, drink lang po talaga ng madaming water.

Ha? Masustansya nga po yun e. Mahilig din ako sa saging. Hehe siguro huwag mo na lang iaraw-araw kasi nga daw nakakatigas ng poo. Try different fruits. Mag every other day ka po or 3x a week. Ganon.

Masama pag araw araw then di ka napu-pupu Kasi nakakapagpatigas ng dumi yun eh. Pero maganda ang saging sa baby sabi ng doctor. Wag lang sosobra, yung dalawang saging good for whole day na yun.

Hnd po sya bawal momsh..pro hinay lang kc nakaka tibi un..prone taung mga preggy sa constipation..inom ng mraming water kung hnd mapigilan ang pagkain ng mrming saging..😁

Hindi naman po mommy, I'm eating banana once a day po iwas cramps and added potassium.. friend ko rin kapapanganak lang, ininjectkan ng potassium kase low potassium cya..