1 Replies

VIP Member

Hello. At 6 months nag start na ako na magformula milk every morning. Hanggang sa unti-unti ko na nirereplace yung feeding session ng bottle. Ngayon 19 months na siya, gusto niya parin dumede sakin kahit katatapos niya pa lang sa bottle, ginagawa niya kasing pampatulog yung pagbi breastfeed. Pero hindi ko pinagbibigyan kasi gusto ko na rin mag stop mag breastfeeding at 2 years old. Bine-breast feed ko lang siya pag tulog. Okay parin yung bond namin. Although at her age nagi-start na siya mag tantrum. Kapag umiiyak siya, at nananakit or nagta-tantrum kino-comfort ko lang hanggang sa tumahan. Tapos okay na siya, maglalaro, mamaya-maya hihiga na mag isa at makakatulog na mag isa. Parang ngayon.

Self control lang din talaga 😅 mom guilt is real. Nung 6 months nag start na kasi siya kumain kaya no choice pag gising niya wala na ako sa tabi niya, father niya na ang kasama niya at ibottle feed siya. At first tinitiis niya talaga, pero dahil wala rin talaga siyang choice dumedede na lang siya sa bottle hanggang sa nasanay. Pinaka-challenging na transition is yung magkasama kami. Kasi alam niya may breast bakit pinapa-bottle siya. At first din bumibigay ako pero yun nga self control is the key talaga. Sa pag transition while sleeping at night feeding na lang yung challenge sakin ngayon. Hehe

Trending na Tanong