Bloated and Constipation

Hi momshies, 5weeks and 5days palang baby ko and naturally there is no baby bump yet. Pero sa akin mukang 3 months na talaga sya sa sobrang bloated ko tapos constipated pa. Ang sarap sa feeling kapag nakakautot ? lalo na pag nakaka poop parang bumabalik sa dati yung tiyan ko. Ang bilis ko mabusog at mag bloated to the point na hinihingal na ako. And one thing, na paparanoid ako bigla kasi one day nagising ako na masakit tiyan ko talaga dahil na pu-poop na ako and ang tigas ilabas. After naman okay na pakiramdam ko and I checked baka may blood na sa panty ko wala naman thanks God. Ito talaga yung hardship ko in pregnancy journey which I always ask my self if this is still normal. Lagi kasi akong kinakabag. During my first check up I asked the OB if normal lang ang bloated at constipation and she said that it is normal. Pero this time I'm having a hard time in pooping and kinakabahan ako everytime na kinakabag ako kasi sumasakit tiyan ko. Gusto ko lang malaman from you guys para mapanatag na ako if na experience nyo din. Waiting for your response, thank you ?

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply