Rashes

Hi momsh, normal lng po bang magka rashes pagnag bubuntis? nagstart siya sa butt, thigh and legs ko and ngayon sa tummy ko na.. 30 weeks na ako today.. Sobrang kati niya lalo na sa gabi.. Ano po kaya pwedeng igamot.. Caladryl kasi ginagamit ko para mawala lang ang kati...

Rashes
89 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan sakin dati, tiyan pwet hita legs maraming rashes tapos sobrang kati di ako makatulog. Cetaphil lotion na may halong caladryl pinapahid ko after maligo. 3 a day ako kung maligo. Tapos niresetahan ako ng ob ko cetirizine para sa pangangati. Once a day ko ininom for 3 days. Safe naman daw un for pregnant sabi ng ob ko. Awa ng diyos di na bumalik maayos na kong nakakatulog mahimbing na ulit nung nagbubuntis ako. Kapapanganak ko lang, well baby sya okay na okay.

Magbasa pa

Ganyan ako. Pacheck up ka pa rin ako kasi may allergy talaga ako sa pawis ko. Pero pinacheck up ko sa akin niresetahan ako ng cetirizine. Sabi din sa akin baka rashes sa pag stretch ng balat ko. Kasi nga sensitive skin, normal lang daw yun sa "ilang" buntis na nagkakaroon. I mean iilang buntis lang nagkakaroon niyan... Normal naman si baby ko.

Magbasa pa

Hi mamsh. Nagkaganyan ako nung 4months ako. PUPP rash din siguro yan. Try mo yung Aveeno lotion skin relief. Yan nirecommend saken ng derma. Medjo pricey nga lang mga 700+ pero worth it naman mash. Magagamit mo pa naman kahit wala ka na rashes kase organic sya. After maligo, ilagay mo sya sa rashes. Mga 1-2weeks naghilom naman yung rashes ko.

Magbasa pa

jusko naexperience q yan.. sa mga singit sa kili2 tyan at qng saan pa.. buti di umabot sa pempem.. pinapahiran aq ng asawa q ng virgin coconut oil naku ang sarap sa feeling prang kinakamot buong katawan q.. tayuan balahibo q.. tpos nkakatulog na q ng maayos. nawala rin xa agad.. yung mga natira nilagyan q nlng mg BL CREAM

Magbasa pa
VIP Member

Ganyan din ako minsan sobrang tindi buong katawan pati muka di na makilala tinakbo nako sa clinic non madaling araw partida naturukan nako ng anti histamine tatlong beses bago yon wala pa din talab tapos kung anu ano na pinainom saking gamot tsaka pa lab test, gastos nga e

Ganyan din ako nun pero sa mukha at leeg lang.. Baka may nakain kang allergic ka kaya nagkaganyan ka. Magpacheckup ka agad da OB mo kasi ako nun naallergy sa bagoong eh.. ang dami binigay na gamot sken nun binago sabon sa lotion ko. Ayun nawala naman after 3 days

Nagkaganyan din ako sis 37 weeks... May strechmark ako ng kaunti..pero nung ngkaron ako nian na sobrang kati... D ko na maiwasan kamutin...ayun it can cause a lot of marks in my body..cornstarch nlng every night..ayun ung home remedy ko...mabisa nman sobra ๐Ÿ˜

Hi mkmsh, meron din ako nyan 4months preggy sobra kati as in buong katawan kuna meron๐Ÿ˜”dinako makatulog sa sobra kati.. nagpa check up ako sa OB ko niresatahan ako ng sulfur soap atchaka loratadine pero useless lang po.. masakit panaman pag kinamot na๐Ÿ˜ข

5y ago

safe ba ung citirizine momsh? gusto ko I try kais ung loratadine na binigay ni OB wala naman po nangyayari sobra kati padin.. lalo na pag gabe napupuyat nakame ni baby๐Ÿ˜”gusto ko din mag pa check up sa derma po kasi po sobra dame na nanila lalo na sa likod at bnda pwet po๐Ÿ˜ข

Ganyan din akin pero ung sa akin naman isang tumpok, parang malaking pantal na sobrang kati. tapos may maliit na prang pantal din sobrang kati din. ๐Ÿ˜“๐Ÿ˜“ Bio oil pinapahid ko. eto ngaun mukhang nagdadry na sya. nag start naman to sa pusod ko.

Post reply image
4y ago

Oo nga momsh super kati nito nung mga nkraang araw. pero ngayon hindi na. Nagdadark na kulay nia. gumagaling na sya. prang ung sa pusod ko lang nawala din after few days. Tiis lang tlga na hndi kamutin ๐Ÿ˜‚

VIP Member

Hi mommy. Baka you want to try po our product from Kiddie Momma. Healing Cream safe for babies, pregnant and breastfeeding momma's. Visit and message us at Kiddie Momma - Tabuk City, Kalinga https://www.facebook.com/KMTabukKalinga/

Magbasa pa