βœ•

20 Replies

Baby ko po since 3 months kasabay na namin sya matulog from 7pm or 8pm to 7am or 8am πŸ₯° 12 hrs minsan tulog niya 8am play2 sa mga cousin then 9am maliligo tas pag 10am matutulog ulit hanggang 12 noon or 1pm.. Minsan gumagala kami sa hapon pra po antukin sya (safe naman po dtu samin.. nsa province po kami maraming puno kya nkakagala si baby na karga ko o ni mama😊) after gumala mga 3 pm tulog ulit hanggang 5pm or minsan 1hr nlang po tulog nya sa hapon 😊 6pm pinapaliguan ko pag super init ng panahon or pinupunasan ko sya pra fresh tas after noon playtime kami tas mga 7pm or 8pm ayun antok na sya 😁 di dede na sya at matutulog na kahit may ilaw at maingay minsan 😊.. Kaka 5 months lang po ng baby ko nung 11 😊

Ever since si LO ko sinanay ko na matulog ng maaga 7pm tulog na sya then mga 5-6am gising po sya ng ginagawa ko after po nya warm bath mga 6:30pm ipapasok ko na sya sa kwarto para po less distract sya then dim ligth na po habang dumedede po sya nakakatulog na po. Then pag gising sa umaga papaaraw kami then mga 7am breakfast nya saka maglalaro po then paliguan ko na mga 9am nap time po nya gising ng 11:30am maglulunch mga 1:30pm nap time po ulit then gising ng 3-4pm ayun maglalarona po ulit sya. Bigyan mo po sya mommy ng routine then mag matutulog sa gabi kung pwede po sn dim ligth wala na tv wala na inggay para hindi po nadidistract si baby😊 nakakatulong din po ung imamassage po sya sa gabi tapos tabihan mo po sya 😊

Try niyo po magplay ng baby music every night. Lights out na po kayo dapat pagkaplay ng music. Dapat po same songs every night tas pagdating ng morning, bigyan niyo rin po ng morning routine like maglaro at kumain. Kahit magising po siya sa gabi, wag po kayo magbubukas ng lights. Mag night lamp na lang po kayo. Dapat din po wala na rin po kayong ibang activities at tulog na rin dapag kayo. Para pav nagising siya, magets niya na dapat matulog pa ulit siya. Patulugin niyo lang po ullit pag magising.

sa panganay ko simula nung nag 1month sya ino-off ko ung ilaw tapos may maliit kami na ilaw sa bandang ibaba ng higaan pra di masyado madilim, hanggang sa nasanay sya sa ganong set up 😁 hindi talaga sya mka tulog pag bukas ung ilaw dilat na dilat talaga mga mata πŸ˜… ngayon ganyan ginagawa ko sa bunso ko 4mos. na sya ok rin ganong set up sknya.

hello momsh thanks sa mga sagot nyo 😊 nagawa ku na lahat talagang na kay baby talaga na gigising sya ng ganyan kya minsan naawa kami ksi ayaw talaga nya matulog kahit pa dilim2 kaya entertain nlang nmin sya . pero ngyon ok na sya normal na tulog nya tsaka minsan nlang sya gising nga ganitong oras😊😊 thank u so much sa inyo πŸ˜ŠπŸ˜‡

No playing/gadgets na po pag night time. Pag nagising, help baby get back to sleep pero wag nyo po hayaan na maglaro or mag gadget kasi lalo syang hindi makakatulog. Schedule nap times throughout the day and pag daytime, tsaka po sya dapat maraming play and interactions. They need enough sleep po for them to grow and develop properly.

since 3 mos, 7pm na lagi tulog ni baby and gising niya 7am. 12 hours tulog sa gabi. At 6 pm start na kami sa routinr. Dinner, ligo then pinalalaro ko onti para antukin then mga 7pm ro a little later than that, antok na siya. Minsan natutulog na rin mag isa. Hindi ko na hinehele. Going 7 mos na baby ko.

Ang swerte ko sa Lo ko kasi sa gabi tlga sya natutulog simula 2months nya 😊 pinaka gising nya sa hapon 5 or 6pm tapos 8 or 9pm antok na antok na sya pinaka gising nya kinabukasan nya 6,7 or 8am. Pero gumigising sya ng hating gabi,mdaling araw para dumede tapos di pa sya iyakin. Uungot lang pra dumede. 😊

sana all...😊😊

Kayo po ang magsasanay sa sleeping routine nya, wag po sya patutulugin ng alanganin oras tska po let him/her na maglaro or laruin nyo po sya para mapagod at sa gabi pag bed time na matutulog na sya. Dapat po consistent yung oras ng tulog.

VIP Member

Isleep train niyo po siya. Sa gabi dapat walang ibang activity para maintindihan niya na kapag gabi, oras ng tulog or pahinga. Ung kasama sa kwarto dapat nakahiga lang din. Dim lights. Wag po magbukas ng TV or laruin si baby.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles