15 Replies
CS mom here. 6 weeks na, tuyo and nag start na po magpeklat. Di naman po naging ganyan ung saken na parang me puti. Nagba-binder po ako and alalay sa kilos. Pa-check nyo po kasi kung bumuka nga eh baka magka-infection pa po. If di po kayo ascorbic acid, mag-take na rin po kayo para makatulong sa paghilom. Eto ung saken taken 2 weeks after my operation.
Ito yung sakin, mag iisang buwan na ngayong 29, nakakaramdam ako ng kirot at hapdi tapos meron akong ointment na niresita sakin. Parang yun talaga yata yung ma fefeel mo pag gagaling na. Di na ako nag bibinder, 2 weeks lang ako nag binder mula nung nasa hosp ako.
Naka close na close na po yung sa inyo mommy
Naexperience ko yan momsh. 1 week after kong manganak. Punta po kayo sa nagpaanak sa inyo. Pipigain po yan kung may nana at lilinisin. May nireseta rin po sa aking antibiotic at pampahid para matuyo agad.
2 weeks after ko po manganak, bumalik po ako kay OB. na check nya po yan. Okay naman daw po. Tinusok tusok nya po yan. Sabi nya pwede ko po basain after 1 week pero dko pa po binasa kasi feeling ko fresh pa po ang sugat. Tapos ngayon, ganyan na po sya after 2 weeks pagka galing ko kay OB.
It doesnt look good. Have you OB check it para sure. Mine didnt look like that. After a week, dry na yung akin.
Hindi pa po. Kaka check ko pa lang po kasi nyan kagabe kasi sumasakit.
Parang fresh pa yan ah, kita pa yung tahi. Patignan mo na agad yan Momsh.
Kaya nga po. Sge po thank you po
Naku pacheck mo na sa OB yan. Di naman nagkaganyan yung saakin mommy.
Okay po. Thank you po
Iconsult nyu po agad ito kay OB, momsh.. nangangati po ba?
Ako din po everyday po nililinis ng husband ko ng betadine at nag papalit din po ako everyday ng gauze. Hindi ko po alam bat ganyan. Baka dahil di na po ako nag tuloy ng antibiotic
Hala,parang bago palang po, ilan weeks kanapo ba?
1 month na po ako bukas :( ganyan pa din po yan.
Anonymous