share ko lang mommy, and ask din kung ano dapat gawin.

hi mommys, medyo naaasar and naiirita lang ako sa landlord namin. ganito kasi yun before kami lumipat ang usapan po is 12.5k yung upa, (august 16 kami lumipat) tapos yung first baby ko nasa tatay pa nya that time (june-august) sinabi na namin na may bata kaming kasama ibabalik sakin pag nakahanap na kami. so eto na nga nakalipat na kami and nasa kin na yung panganay ko this october pinuntahan kami ng may ari na iincrease yung upa namin into 15.5k. so nagulat kami bakit at anong dahilan then sabi kasi may bata kasama na sa bayad yun. sabi ko pwede bang sa magdadag na lang kami sa tubig, sabi hindi daw pwede kailangan sa rent daw talaga, tas ngayon po buntis ako ulit parang ang mangyayare pa madagdagan pa ulit yung rent namin. so ako naiinis na di ko na kinakausap yung may ari yung mama ko na kumakausap. tas pag may bisita kailangan hapon lang pwede at kung may mag sleepover magbabayad ng 400/day which is wala sa contract po. sa tingin nyo po ba tama yung ginagawa nila? may karapatan ba kami na hindi na tapusin yung contrata? sumusobra na po kasi sila. pwede ba namin sila ireklamo? TIA.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Parang ginawang boarding house naman yan..padagdag ng padagdag pag dumadami tsaka bawal patulog naku abuso naman yun

4y ago

oo meron contract, pero wala dun nakalagay na if magdagdag or sleep over may bayad, pati sa bata wala din nakalagay dun.