share kolang diko na talaga kaya?

Hi mommy share kolang kase ang sakit na ?? si live in partner kase nananakit kahit dipa ako buntis. Kagabi sinuntok nya yung hita ko kase ayaw ko syang hilutin madalas akong magkapasa dahil sa kanya tas ayaw nya akong pauwiin samen pag may pasa ako or may makikita pamilya kong sugat dahil sa kanya. Kanina nag away kame sinampal nya bunganga ko tas umalis sya nag inom kasama mga katrabaho nya. Pag uwi nya lasing nag away kame sinaktan nya ako binatukan sinabihan ng palamunin nya lang daw ako tas hinampas sa likod para di sya nakukunsensya na makunan ako ! Nung nakaraan tinampal nya ako sa bunganga nagdugo yung bunganga ko pero parang wala lang sa kanya pag sinasabi kong mag hiwalay na kame ayaw nya. Pagsinasabi ko na magsusumbong ako sa pamilya ko sasabhin nya wala naman syang ginagawa saken. Mahilig talaga syang manakit syempre napapaganti din ako pero pag sobra na pananakit nya saken iiyak na lang ako tas sasabhin nya iniiskandalo ko daw sya sinisira ko buhay nya? minsan kinukumpara nya ako sa mga ex nya? ang panget ko daw ang payat muka daw akong butete? sinasabihan nya din akong pokpok kase ganon nya daw ako nakilala?dati kinutongan nya ako nagkabukol ulo ko ? madalas nya din akong tinutulak?minsan natatakot nadin ako baka duguin ako sa sobrang pananakit nya?wala syang binibigay saken pampacheckup sinasabi nya saken humingi ako sa pamilya ko?hanggang ngayon wala padin syang ipon para sa anak nya miske piso wala. Like ngayon kailangan ko magpapelvic ultrasound ayaw nya ako samahan sa hospital wala daw syang alam don ginastos nya din yung perang bigay ng ate ko para sa pangultrasound ko .????? 6 months preggy here?

219 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sana wag maunang makunan ka bago mo maisipang umalis dyan s impyernong kinalalagyan mo. dahil di malayong mangyari yun sa emotional at physical stress na dinadanas mo. napaka unfair sa dinadala mo.

Alam mo hiwalayan mo na yan.. Ganyan din ako sa ex ko pero di kasing lala ng ginagawa sayo. Pero kinuha na sya ni Lord sa aksidente. Ngayon masaya ako sa asawa ko at sa anak namin. Napakabait nya..

VIP Member

iwanan mo na yan. isipin mo nlang pano paglabas ni baby bka saktan nya din. umuwi kna sa Family mo. kayanin mo na kyo lang ni baby mo ang magkasama kasi ndi nyo deserve ang ganyang klase ng lalake.

Get out of the relationship. Tutal you have time to go naman when he is at work. Isalba mo ung sarili mo at ung bata sis. Baka magsisi ka lang balang araw if you stayed with that fucking boy.

Ako sis ung tatay ng anak ko walang pake samen. Ni kamusta wala sana nga magsustento na. If I were you di ko pag titiisan na bugbugin ako or saktan ng partner. Get out before it's too late!

Kung alam mo paano umuwi sa inyo teh umuwi kna.. wag na maghintay na sumubra psya.. alis ka pag wla sya.. iwan mo nlg sis ikw lg magiging kwWa nyan worst pati anak nyo sa huli masktan nya..

bkit hnd mo sya iwan, d kawalan ang ganyang klase ng lalaki. buhayin mo mag isa ang anak mo, kailan mo iiwan ang kinakasama mo, pag nakunan kna? wag puro puso, gamit din ang utak.

Mga ganyang tao dapat iniiwan na, baka hintayin mo pa pong maghingalo ka jan bago ka umalis. Kahit pa na mahal na mahal mo yang si lalaki, di niya deserve yan kung sinasaktan ka naman.

Kung mahal mo ang isang tao, pwede mo ma control ang puso mo gamit ang utak mo. The brain controls everything, including your heart. So kung gagamitin mo utak mo, alam mo gagawin mo.

Alam mo na pa lang nanakit bakit nagpabuntis ka pa? Ngayong buntis ka na at nanakit pa din siya bakit di ka na umalis? Hihintayin mo pa bang may mangyari sa inyo ng dinadala mo? Wake up.

5y ago

Hindi naman predictable ang pregnancy kaya mo siyang sisihin for that.