Iyakin si baby

Hi mommy's help naman ano ba best way pang patanggal ng colic or gas pain? Minamassage ko naman sya pero parang di effective. minsan nangpupuyat talaga halos ilang oras gising sa madaling araw. Kung makatulog man sya sa araw putol putol like every 1hr or 30mins nagigising na. Na istress nadin ako kasi ako lang nag aalaga sa kanya diko na alam minsan gagawin kulang nlng nakadikit na sya sakin. Btw 2mos na si baby. #1stimemom #firstbaby #advicepls

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Naku mommy konting tyaga lang. Same case tayo nung newborn si baby hanggang mag 2 months as iiiiiin wala kaming tulog. Nkailang balik pa kami sa pediaπŸ˜‚ Ngayong 3 months na sya, nagbago naman naeenjoy na namin si baby nabawasan na pagkaiyakin nya. Do the massages lang po with oil. Yung rest time simeticon may help din pero sabi ng pedia masyado pa immature tummy ni baby para dun kaya give lang kapag need na need talaga. Kung kaya po patulugin sa dibdib mo momsh ganun na lang para humaba sleep ni baby kasi kawawa din si baby wala sleep. Ganun gawa namin ni hubby kahit gabi. Gusto nila yan kasi nappress satin yung tummy nila tska feel nila yun warmth at heartbeat mo.

Magbasa pa
VIP Member

ganyan din kami ng hubby ko lagi puyat natatawa na lang kami sa itsura namin kailangan talaga mahabang pasensya at pag kalma , pag na stress ka ma se sense yun ni baby, since normal sa kanila magpa iba iba ng tulog. pero hindi naman po laging kabag ang dahilan kung bakit sila umiiyak ,baby ko mag 2 months pa lang sya pero nung weeks pa lang sya sobrang nasanay sya sa hele gusto lagi nilalambing pagod na pagod kami πŸ˜… kaya nagkabit kami ng duyan ayun nagustuhan nya kahit papano nakaka tulong , ayun adik naman sya sa duyan ngayon 😊☺️, sa case naman pag sobrang kabagin ang baby basta bukod sa ina aply natin at massage pinaka importante din ang pagpapa dighay kada dede πŸ˜ŠπŸ’•

Magbasa pa
4y ago

kapag inaantok na sya madalas iyak ng iyak yan kasi kami di namin sya sinanay sa hele pero yun yung gusto nya yun yung nakakapag patahan sa kanya kaya hinehele namin kasi di talaga titigil , kaya pag nakatulog na idinuduyan namin dahan dahan lang kasi pag hele lang tas nilapag gising agad . kumot lang duyan nya nilagyan lang namin ng flat at malapad na unan basta bantayan lang mabuti. si baby ko kasi ututin πŸ˜… isang beses lang sya kinabag ng matindi kahit anong gawin di tumitigil yun yung hindi ko sya napa dighay kadalasan iyak nya hele gusto . karamihan kasi sinasabi wag kargahin kasi masasanay pero sakin di ko yun sinusunod kasi mas kailangan nila ang comfort at touch natin kasi magugulatin pa sila at natatakot . ibaiba din kasi ang baby merong iyakin talaga yung iba naman higa tulog lang sapat na πŸ˜‰

Burp mo mommy after milktime.if hndi sya nagburp,hayaan mo lng sya s dibdib mo for 30 minutes bago mo sya ihiga.malajing tulong din ang manzanilla.lagay k s tyan at talampakan ni baby everytime n umiiyak n sya and every nappy change.iwasan mo din mahanginan sya directly ng electric fan.pajama muna always,bka kasi nkashorts or panty/brief lng sya,bka noapasukan ng lamig.malaki help din padapain si baby sayo para maipit ung tyan nya.gnyan din dti baby ko,halos wala tlga ako naiitulog.pero ngayon ok na sya.

Magbasa pa
4y ago

4 months n ngaun.thankfully hndi n sya nkakaranas ng ganun

same sis here sis.. akala ko ako lang haha.. pagnilalapag s crib wla pa 5 mins magigising at iiyak so karga ko nmn at nkakatulog ng nkadapa sa dibdib ko. sobrang stress na ako. wlang tulog msakit paa kakahele. naiiyak na ako sa pagod pero kailangan tiisin pra ky baby. sbi nga nila magbabago dn after 2-3 months n cia.

Magbasa pa

the struggle is real. Ito ang scenario namin ngayun. 1 month and 22 days na c baby. 3 days ma xang balisa early morning. minsan naabutan na kami ng umaga. feeling ko sa weather din po kc. nagawa, na namin ang mga payo nu.. sabi nila. malalampasan din natin to.

Bili ka ng restime sis sa botika..Effective yan sa hapon mga 5-6pm painumin mo sya bsta ngo matulog..Uutot sya ng uutot..Ilalabas nya yu g hangin..Gnyan gnmit ko sa baby ko nung newborn sya..Ngayon nd na kc 9mos na sya..Kaya na nya magburp mag isa

old wives trick po mamash. manzanilla ipahid mo sa tiyan at bunbunan ni baby. at pray kay God and mama mary na bgyan ka ng mahabang pasensya! jusko nakakabaliw ang walang tulog. good luck sau mommy

Lagyan mo ng Manzanilla sa May balakang niya paikot,ta i taas taas mo ung Paa nia kahit 1minute then i bicycle mo ay mamsh and importanteng napapaburp sya ng maayos at least 30min. After magdede.

mommy, try mo tiny buds calm tummies. tapos regular mo syang i-iloveu massage and bicycle exercise ang legs. maraming videos sa youtube kung pano yan gawin. sana makatulong

ganyan din po baby ko nong 1 month old palang sya, pinacheck up ko sya sabi ng pedia nya need daw po ipaburp si baby after magdede tas niresitahan po sya ng restime .