tubig

Hello mommy ask ko lng po kung pwde po ba uminum ng tubig. Ang 1week old baby

38 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

BAKIT BA BAWAL PAINUMIN NG TUBIG ANG SANGGOL 0-6M? Marami po sa atin, ang nagtatanong kung ligtas ba, at kailan ba pwedeng painumin si baby ng tubig. Lalo na ngayong tag init. Ngayong gabi ay bibigyan po natin ng linaw ang paksang ito. Ayon po sa World Health Organization at Department of Health, hindi maaring bigyan ng tubig ang mga sanggol na ANIM NA BUWAN PABABA. Napakadelikado po ng pagpapainom ng tubig sa mga sanggol na wala pang anim na buwan dahil ito ay nagiging dahilan ng WATER INTOXICATION OR POISONING. Ano ba ang Water Intoxication? Ito ay kondisyon kung saan ang sodium levels sa dugo ay bumababa dahil hindi pa kayang balansehin ng katawan ni baby ang tubig (Hyponatremia*). Ang mga sintomas at epekto nito ay: - Pagsusuka - Pagiging iritable - Pagkahilo - Sobrang ihi (6-8 basang diapers) - Pamamawis - Hypothermia o pagbaba ng temperatura ng katawan. - Epileptic Seizures - Pagkamatay Ito ang dahilan kung bakit mahigpit na ipinaaalala satin sa mga ospital at ng mga ahensyang pangkalusugan na bawal po ang tubig sa mga sanggol na anim na buwan pababa. Napakarami sa atin, na nadadala sa sinasabi ng matatanda na kailangan painumin ng tubig ang mga sanggol lalo na daw kung may sakit o kapag mainit. MALI PO ITO. Kung ikaw ay nagpapasuso, ang breastmilk ay 88% water. Kaya hindi na kailangan ng karagdagang tubig ni baby. Sa panahon ng tag init, ang gatas natin ay nagbabago ayon sa panahon at pangangailangan ni baby. Mas nagiging malabnaw ang gatas natin upang maiwasan ang dehydration. Sa mga nakaformula naman, hindi rin kailangan ng karagdagang tubig dahil ang bawat scoop ay may katumbas na tamang sukat ng tubig. Mga inay, huwag po tayong matempt na magbigay ng tubig. Wag po nating isugal ang kalusugan ni baby dahil lang sa utos ng mga taong nakapaligid sa atin. HUWAG po tayong magmadali na painumin sila ng tubig dahil buong buhay po nila, iinom naman sila ng tubig. Mainam na maghintay po tayo. Ingatan po natin ang ating kalusugan lalo na ng ating supling. Salamat po at mabuhay kayo mga inays!... PLS read. The American Academy of Pediatrics, the World Health Organization, and numerous other credible organizations strongly recommend only breastmilk for at least the first six months. The World Health Organization specifically mentions "Not even water" may be given to infants. Formula is only an acceptable alternative to breastmilk when breastfeeding is actually impossible. http://www.who.int/features/qa/breastfeeding/en/ http://www.who.int/nutrition/topics/infantfeeding_recommendation/en/ http://www.who.int/features/qa/21/en/ http://www.babycenter.com/404_when-can-babies-drink-water_1… http://www.britishbottledwater.org/children-and-babies.asp facts about hyponatremia http://parentingpatch.com/preventing-hyponatremia-or-water-intoxication-never-give-a-baby-extra-water/ Hyponatremia caused by excessive intake of water as a form of child abuse - https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4027093/ #Spreadeverylearning #WHO

Magbasa pa

Kung breastfeeding po sya bawal po ang kahit anong liquid gatas lang dapat ni mommy pero kung formula po sya KELANGAN nya po ng water everytime na dedede sya yan po advice ng pedia ng baby ko

VIP Member

Not yet mamsh..dpat mga 6mos onwards na bago pakainin or painumin ang baby. Don't worry mamsh kse ang Isa nating breast ay water Yan Kya no need painumin si baby Ng water.

5y ago

Ganun ba mamsh..cguro sa mga ob nalang mamsh itanong para sure sa safety ni baby.

Bakit sa ibang pedia sinasabi na pwde na daw painomin ng tubig lalo na Kong mix ka o naka formula lang.. kasi yun yung sinabi ni pedia sa akin naka mix po kac c bb

VIP Member

BIG NO!!! 6 months up po, please lang, wag niyo po madaliin, if ang reason ay nasinok, normal na normal sa kanila yun, please wait until 6mos

No hanggang mag 6months si baby purong gatas lang ni mommy ang dapat nyang inumin

VIP Member

If formula milk pinapainom mo yes. But not exceeding 20 ML

Bawal po 6mos. Pwede po uminom si baby ng water

Hindi po mommy. Atleast 6mons dapat.

VIP Member

Nope po. 6months po advise ng pedia ni Baby.

Related Articles