CAS

Hi mommy ask ko lang po kung ano difference ng CAS and normal ultrasound?

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Paano isinasagawa ang congenital anomaly scan? Ang congenital anomaly scan ay isinasagawa ng prenatal sonographer o isang doktor na nag-specialize sa prenatal diagnosis. Ang scan ay tumatagal ng 30 minutes na kung saan makikita na ang 3D images ni baby sa screen. Habang ginagawa ang scan ay mache-check na ng sonographer ang anatomy ni baby, ang kaniyang mga organs at pati ang kondisyon ng placenta na kaniyang kinalalagyan. Malalaman rin ang sukat ni baby na ikukumpara sa fetal growth charts para ma-predict ang development ni baby at matukoy kung normal lang ba ito. Kaya naman para masigurado normal ang paglaki ni baby sa loob ng tiyan ay mahalagang sumailalim sa congenital anomaly scan sa ika-20week ng pagbubuntis

Magbasa pa