Pregnancy symptoms

Hello mommies,sino same case ko dito na halos lahat na ng symptoms naranasan..sobrang hirap, lalo na yung wala ka namang ginagawa pero pagod na pagod yung pakiramdam mo,tas laging inaantok,kaya lagi ring tulog 🤧😤yung feeling na ayaw mo nang gumalaw kasi ang bigat ng pakiramdam mo.sumasakit din kasi balakang at puson ko,tapos halos minu-minuto pang naduduwal,namimili din ako ng pagkain yung tiyan ko,tulad ng kanin di ako halos makakain kasi nasusuka ako tuwing kumakain ako,andami ko din cravings pero madalas tinitikman ko lang diko inuubos kasi nasusuka ako🤦🏻😤🤧 sobrang hirap,ngayon palang sukong suko na ako🤦🏻

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

relate ako sa sobrang pagod mi kahit wala naman ginagawa. tinamad din ako ng husto to the point na ayaw ko maligo pero pinipilit ko maglinis padin kahit papaano. minsan nga 2 or 3 days ako walang ligo pero nag half bath naman. more on tulog din ako. tas paggising ko pagod parin pakiramdam ko. di rin natatanggal sakit ng breasts ko. swerte lang at di ako pinahihirapan masyado ni baby at wala akong morning sickness since nalaman ko na pregnant ako. more on cravings lang at madaling mangalay ang balakang

Magbasa pa

pareho po tayo, before kopo malaman na preggy ako medyo nauumay ako sa rice which is sobrang takaw ko sa rice tapos lately ibang-iba na pakiramdam ko nung nag pt ako at positive nga ayun dun na mag triggered yung pagsusuka, dina ako nakakain ng kanin as in namayat na ako dahil makaamoy lang ako ng ayaw ko nasusuka ako.

Magbasa pa

same po tayo. yung sa kanin talaga. pag bagong hain tapos napupunta sa akin yung steam ay nasusuka na ako. tsaka feeling ko pagkumakain ako ng kanin nakikiliti ang lalamonan ko kaya ako naduduwal. pero need parin kumain ng kain kaya sinasabayan ko ng tubig.

2y ago

Same po. Ayoko yung amoy ng kumukulong sinaing pati halos lahat ng amoy ng niluluto. Araw2x pandesal, skyflakes saka kamote lang po kinakain ko. Maternal milk and vitamins sa gabi. Sana malagpasan po natin tung stage na to. 7weeks pregnant po

Kaya mo yan Momshy! Patikim pa lang po yan, ibang level pa po pag nanganak na kayo. Kaya kapit lang tayo kay Lord. Have faith! Dapat mentally, physically and financially ready tayo. Stay strong Mommy! 💪

Same here po grabe yung duwal ko everytime oras na ng pagkain and pag inim ng vitamins😔 Pero sumasakit naman tyan ko pag di ako kumakain ng madami

same here mommy, almost 1 month nko gnyan.. sobrang hirap. 2nd baby ko nato pero mas mlala ung pglilihi ko ngyon.. 😥😥

2y ago

sabi nga nila mas malala daw pag second na. 😅 pang second kona din kasi to

same po pangatlong pag bubuntis ko to ngaun ko lng po naranasan,walang araw na ok ung pakiramdam ko🥺,

Same mamiiii! sobrang hirap huhuhu