Hi, mommies.
Question lang po, paano niyo ginagawa yung pagpapainom ng breastmilk sa cup sa newborn babies niyo?
In less than 2 mos babalik na kasi ako sa work kaya kailangan ko na pag-aralan kung paano ang gagawin sa pagpapainom ng breast milk kay baby. Ang sinusuggest po kasi ng doctor is sa cup daw para walang nipple confusion di baby. Kaso parang mahirap magpainom sa cup? Tsaka paano matatantya kung gaano karami ang ipapainom sa kanya kapag sa cup na? Kasi kapag direct latch sila na ang kusang bibitaw kapag busog na sila.
Also, paano niyo nilabanan yung anxiety na babalik na sa work and maiiwan si baby sa tagapag-alaga lang? Kung pwede at kaya lang sanang maging full time mom na lang ako sa kanya.
Kaso kailangan talaga magtrabaho.🥺
Pahelp po. Thank you.
#1stimemom #advicepls #firstbaby
Anonymous