Hilot @6 months
Hello mommies! Lagi iniinsist ng mother ko na ipahilot ang tiyan ko para umikot daw si Baby at hindi ako ma-CS. 23 weeks/6 months na po ako. Last ultrasound po ay naka-traverse lie si baby/suhi. Ang nakakabwisit kasi dun igagaslight nya pa ako na “bahala ka kung gusto mo ma-CS” o di naman kaya babanat pa sya ng “may pera ka naman yata.” Ang ending nasstress ako kausap sya kasi she doesn’t even consider na natatakot ako kasi nga “first pregnancy” ko to. Like wa kwenta kausap legit. Sarili nya lang na opinyon nya naririnig nya. Ang question ko po, naiikot ba talaga ang inunan na nakaharang sa OS (labasan)? Ang kinatatakot ko is “placental abruption” kasi nga iiikot nila eh, what it kumalas sa matres ko ang inunan. Like legit na nasstress lang ako pag kausap ko ang mother ko, parang ayaw ko na syang kasama sa pregnancy journey ko kasi instead na makatulong dagdag stress pa sa akin… Please enlighten me po. Thank you!