Threatened abortion

Update: had my tvs and thank God andun si baby kicking with 179 heartrate. Pero may contraction po na nangyayre sakin na aagapan kaya strictly bed rest ang meds ngayon na idinaan tru swero. Thank you mommies and please continue to pray for us.🙏🏻❤️ Hi mommies...currently on my 9weeks and 6days of pregnancy..the past weeks super normal po pakiramdam ko. No bleeding or even spotting. Had my forst TVS on my 7th week and nakita na agad hearbeat nya. But this 3am po nagising ako na basang basa ang undies at shorts ko kaya pumunta ako cr. nakita ko agad na prang may dugo yung basa ng undies ko but ang super nakaktakot is habang umiihi ako may lumabas po na isang napakalaking buong buo na dugo..tumakbo po agad kmi sa ospita and dun nalaman na close cervix ko. After that blood din po back to normal ako wala Po kahit onti discharge ng dugo ulit up to this time..trans v will be done anytime now. Ang diagnosis nila is threatened abortion. May nakaexperienced na po nito sainyo? If yes po ano po nangyare after? Did it still push through pregnancy? Thank you po. Sana po may sumagot to ease my anxiety..

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako nga mi , Smula nalaman ko Buntis ako , dina ako tnantanan ng Bleeding eh . Patak patak , buong dugo, mnsan kala mo nreregla nko sa lakas eh . Pag transv/pelvic ultrasound . Wala mkita problema . okay si Baby malakas heartbeat at mataas inunan nya , wala dn nman ako polyp na maaring mging isa wa dhilan kung bkit di ako tnatantanan ng Bleeding . Thrice ako nag palit ng pampakapit thrice dn nag palit ng OB . Puro ganon walang mkitang dhilan . Linggo Linggo na dn checkup at ultrasound ko . sobrang stress walang araw o gabi na hndi ako umiiyak ksi natatakot ako bka mapano na si Baby . eh matagal kona pnangarap mag ka baby ulet lalo at babae . 26 weeks open cervix ako , 28 weeks saksak ng steroids kung skali daw maaga ako manganak pang matured ng lungs ni Baby . sbe ng OB ko pag 34 weeks at dpa dn nwawala bleeding ko Emergency cs daw ako . ayun lalo akong na stress ksi pnag hahanda ako 90k dpa daw ksama sa baby non incubator per day pdaw bayad . Umuwi ako bulacan kasi sa malolos public ako nanganak date wala ko bnayaran . tpos kompleto pa don kso dna pala natanggap ng pasyente don ksi puro may covid nlng daw andon . kaya nag hanap ako clinic dto sakto OB dn sya sonologist ayun inalagaan nya ako every 2 weeks checkup gang sa nwala bleeding . inabot kmi ni Baby ng 39 weeks and 2 days ❤️ 6 Months na sya ngayon . Tapos HB pa ako non heheheh . di na ako na bp ksi Nhng humilab naligo nko tas nag pnta sa clinic ng OB ko . pag IE skin 10 CM na pala pnutok nlng panubigan ko tas tatlong ire labas si Baby ☺️ saka palang ako na BP muntik pa ako ilipat ng ospital ksi 170/120 dugo ko . bka daw mapano ako ksi pag umuwi ako sa bahay pwede pdin may mangyare skin . sgutin nla ako , awa ng dios okay kmi ni Baby ☺️❤️ Pray kalang mi , wag kana ma stress . maging okay din kayo bsta Bedrest kalang take pampakapit at vitamins . GodBless 🙏

Magbasa pa
Post reply image
3y ago

@DM nka tatlong palit na ako ng OB pero prehas sla snasbe wala mkitang Dahilan , Okay ksi lahat result ng pelvic/transv ko . at lahat ng Laboratories .

sa first pregnancy ko threatened miscarriage din,pampakapit,konti kilos like ihi poops ka lng babangon,then vitamins and mas impportante yun nkarelax yung isip mo. nanganak ako 3.6kilos CS.haha ngayon 4yo na xa..at buntis na nman ko 2nd pregnancy at ito na nman ako sa pampakapit at bed rest,basta irelax lng ang isip at wag magkikilos malalampasan natin to,mula 5weeks nagspot/bleed ako sa pagbubuntis ko ngayon,ilang pampakapit na ako.haha. pero Prayers talaga buong araw.. everytime na may spotting or bleed ako tvs agad,wla nman something dw sa loob, healthy c baby kitang kita ko sa monitor kung gaano kakulit kumilos. kaya natin toh monshie..malalampasan natin to

Magbasa pa
VIP Member

Me. Last Year.. Pero sakin nag spotting nag kunti hanggang dumami. Nung kunting spotting palang, ngpacheck na agad ako. sa TVs no HB pa. Pero nagtake na ako Pakapit.. Din bumalik ako sa MD aftr 2 weeks. Sa 1weeks na un continuous ang bleeding ko and mas dumami blood Like monthly mens. ko na. Lagi na nga ako umiiyak e. Kinakabahan ako. sa Pagbalik ko sa MD, no HB parin. And adv nya uli balik ako mga 7 weeks kasi mostly daw meron na un. Pero d umabot sa 7weeks, may lumabas na madaming dugo nd isang buong dugo like bleeding na talaga. Dami ko naubos diaper. Dun aftr 7 weeks lang na confrm nang dr na wala na talaga.. Nakunan ako.

Magbasa pa

mag pray ka lang po..at alam ko dapat another take ng pampakapit..any spoting po hindi po maganda at need po dyan bedrest, kc ako ngyari sakin yan..from 6wks-9wks. nagsspotting ako at bedrest den, cont. inom pampakapit at mga vitamins bedrest kpag ganyan sis, iwas stress at mag isip ng kung ano ano, pray ka lang aat kausapin mo ang baby mo..!

Magbasa pa

Parang standard na threatened abortion lagi diagnosis ng ER pag me ganyan bleeding. Pero sa ultrasound malalaman yan sis. Possible subchrionic hemorrhage. Possible din na miscarriage. Pero wag naman sana. Praying for you sis.

3y ago

Wala pa ba ung ultrasound sis? Dun talaga kasi malalaman. Hopefully subchrionic hemorrhage lang cia at ok naman si baby.

anong contraction po? ako kayi during tvs ko may focal myometrial contraction din ako no spotting den huhu pero 163 heart beat ni baby wala naman sila sinabi about don

VIP Member

Pero wag ka mawalan pag asa sis.. Baka anjan pa. Tiwala lang.. Wag mag isip nang kung ano ano. Iba iba nmn nangyayari sa atin e

naranasan ko din po yan. kaso yung akin is open ang cervix ko and na raspa.

3y ago

Ilang weeks po kayo nun? So far naman sakin close daw and after may lumbas walang ng kasunod na dugo tlga. Kahit yung test ng ihi ko ng 4:30am wala kahot isa bakas ng dugo..

VIP Member

Sa TVS makikita OB mo yan if meron or wala na tlaga.

VIP Member

ganyan ako nung nagka UTI ako..