Nagsusugat na leeg
Hello mommies Ano po remedy ng leeg na parang nagsusugat or nagbabalat? Mag 1month palang po si LO. Nababasa po kasi minsan ng lungad at milk. Dinadampian ko lang sya ng cotton with warm water tapos nidadry ko. May parang red rash nadin kasi. Any recommendations po? Thank you

cotton with warm water lang din ginamit ko sa baby ko nung nagkaroon sya ng ganyan. medyo chubby kasi si baby kaya naiipit ang leeg. try mong pasingawan yung leeg niya mommy tapos pag dedede si baby lagyan mo sya ng bib para hindi mapunta sa leeg ang lungad or milk. if hindi pa rin effective, consult pedia before putting any medications ☺️
Magbasa paakin mi nilalagyan ko ng bib niya or yung burp cloth para di malagyan yung leeg niya then paliguan mo lang palagi kasama leeg niya tas wag mga rough na tela dat malalambot lang ipupunas mo hindi to remedy pero sana makatulong to since never pa nagka ganyan baby ko ganyan po ang ginagawa ko
paliguan lang po arawaraw si baby. kung di maiwasan na di paliguan, make sure mo ung leeg masabunan kasi yan talaga taguan ng pawis at lungad... pahiran mo na din ng calmoseptine, pahid lang po ang lagay wag po madami.
gamit ko sa baby ko nung nakitaan ko namumula nananalat at mamoy malapit na masugat leeg dermoplex ginamit ko gumaling nasa 250 peros 25g
dahon ng bayabas pag maliligo. para matuyo agad ung leeg lalo kng mabaho na amoy. always make it dry at oo bib habang ng papa dede
try Calmoseptine. yan po reco ng Pedia samin. we tried and it's so effective
as for my experience with my 2 babies wala akung kahit na Anung inapply . kapag Ka pinapaliguan KO Lang sinisigurado KO Lang na nasasabaon at nababanlawaan KO sya Ng maayos then pinapatuyo KO sya gamit ang cotton na tela inaangat KO leeg Nia hanggang SA tuyong tuyo na Sia ..
always pahangin sa leeg, then cotton balls po with warm water
calmoseptine mi.

