I need support group. May anak ang asawa mo sa pagkabinata, anong gagawin mo?
Hi mommies or wives out there. Kung kayo po ang nsa klagayan ko, ano po ang gagawin nyo? Or ano po sa tingin nyo ang marapat kong gawin? Newly wed here, last yr ber months lang po. This end of Jan 2023 nalaman kong may anak na pala ang asawa sa pagkabinata. Imaginin nyo na lang po kung gaano kasakit yung naranasan ko. Ang katwiran nya sa akin ay sa pagkakaalam nya ay nabanggit nya to saken bfore p sya mag propose. Sabi ko naman hndi ako magrereact ng gnito kung alam ko. Scenario in the past is: nabuntis nya yung ex gf nya noon nung 17 y/o plang sya and then 7-8 mos yung tyan ng ex gf nya ay hindi na ito nagpakita at nagparamdam sa loob ng 13yrs. Nkita ko sa old convo nila (dpa nya ko kilala that time) na si hubby ko yung nag rreach out sa knila lalo nung nagkapandemic pero wala talagang response. Sguro starting 2016 up to 2020 every year sya nag mmsg doon sa girl pero walang sagot even a dot or kahit man lang iseen, wala. And then biglang nag msg yung ex nya nitong end of jan at ang dahilan rin kung paano ko nalaman yung "past incident" nila. Nag usap naman kami ng hubby ko, naging maayos naman ang usapan namin oo msakit pero need lumaban. At gusto rin naman nyang maging maayos kami. Ang sabi nya matagal na raw yun at wala na syang balak mkipagkita or mkipag communicate sa knila since for the longest time n sya ang nag reach out. We concluded na baka naninira lang since nalaman na kasal na sya... Pero as times goes by hindi ko po maiwasang tingnan yung pictures ng anak nya (kahit nagkasundo na kaming i block, at wag ng titingnan sa social medias) dahil kamukhang kmuha nya po at kami na newly wed ay wala pang baby. Minsan para kong na ffrustate kasi dpa kami magkaanak. Minsan nsasabi ko na sana ako nlng yung nanay nung bata. Im trying to be strong and hold back... Walang nkakaalam sa fam ko, isang ninong lang namin ang nkakaalam nito at sya yung napagkatiwalaan ko at ayaw ko rin maiba yung tingnin ng fam ko sa hubby ko. Need ko po now ng support group and i find this app.. hoping for your genuine care and support. Salamat po