Asking for thoughts po

Hello mommies. Just wanted to get your thoughts po. I am 33 yo, never been preggers, pero ngayon naiisip ko magbuntis. I have pcos and I have been taking pills for the last 5 years. Ang totoo, takot ako magbuntis. Naoperahan ako a few years ago and nag epidural ako, so may trauma ako dun kasi nakita ko ung itinurok sakin, muntik ako mag back out sa operation ko nun at nanginginig lang ako sa OR sa sobrang panic at takot noon, pero nakaraos naman 😂 takot din ako mag normal delivery, kasi sobrang baba ng pain tolerance ko at feeling ko di ko kakayanin ang sobrang pain. Ayoko naman din mabuksan uli 😅 kaya di rin ako nakapag baby with my ex partner kahit gusto na nya at that time. Pero ngayon naiisip ko na magbaby. Pano kaya ako makaget over sa fear ko ng pain? Naiisip ko magiging super cute ng baby namin ng partner ko kasi half/half sya, kaso naiisip ko palang yung pain, kinakabahan na ako agad. Ramdam ko din na magiging lalaki ang first baby ko, napanaginipan ko pa. Hehe. Any insight is appreciated. Salamat mga mommies :)

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Isipin mo na lang ung pain na mararamdaman mo will subside rin naman in a few hours. Saglit lang yan. Kapalit nun super cute na baby 👶