Immunization

Hello mommies! Want to ask lang about sa vaccine ni baby ko. Nung 6 weeks(aug 18) niya kase ininjectionan siya 6 in 1 sa pedia niya mismo tas inisched siya ulit nung sept 18 para sa anti pneumonia at rotavirus niya but we decided na ilipat nalang siya sa center dito samen kase ang mahal kung sa pedia niya ulit samantalang sa center donation lang. Ngayong Sept 30 di siya ininjectionan kase wala daw available na vaccine para sanya kaya pinatakan lang siya ng anti polio. Tas inisched kmi ng nov 4 para sa 5 in 1 niya. Okay lang po kaya yon mga mommies na na injectionann na siya ng 6 in 1 tas iinjectionan ulit siya ng 5 in 1 parang balik umpisa kami? Sabi naman ng sa center ok lang naman daw yon kase di naman daw nakaka overdose yon mas maganda pa nga daw yon kase maa magiging protected lo ko. Pero nakaka worry pa den po hayyy tia sa mga answers po ❤️#1stimemom #theasianparentph #InjectionDay #immunization

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Tingin ko hindi na kayo babalik sa 1st dose mommy.. Since same content lang po ang 6in1 and 5in1..ang diperensya lang po nung dalawa.. Yung sa 6in1 may hepB yung 5in1 po wala.. Atsaka ganun po talaga mommy.. Mas mahal po sa private doctor since branded po yung mga gamot na gagamitin.. Okay lang din naman po sa center magpainject.. 😊 Kasi may ibang gamot po na wala sa private doctor at sa center lang po available.. Meron din pong ibang vaccine na wala sa center at sa mga private doctor lang meron😊 pero kung ano po kaya ng budget niyo po mommy.. Duon na lang po😊

Magbasa pa
4y ago

I see, thank you mommy!! ❤️