can ex- lovers be friends?

Hi mommies? Do you think ex- lovers can be friends? May kilala ka bang ganyan? Posted: 05/04/20

can ex- lovers be friends?
262 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

It depends po. Citing the experience of my brother, Hindi naging maganda ang break up nila ng ex niya due to the reason na she got pregnant by another guy while she is still in a relationship with my brother. They are in an LDR situation (pero pilipinas lang din naman) because the girl was transferred to her home town as it was mandated before by the head of their organization na ma home-based yung girl sa province nila. Then kuya was undergoing his extra course for his schooling before in Laguna. Both of us are from Cagayan Valley, kami sa mainland cagayan, si girl naman sa isang isla sa Cagayan Valley. Sa manila dati assigned si Girl, every weekend noon, kuya always make a way na ma visit si girl, okay na okay relationship nila until she was transferred to her home town. Kuya even asked her if she is naglilihi kasi napansin ni kuya na may cravings siya over maasim na foods then she answered, magtaka ka naglilihi ako wala ka dito. The guy knew that the girl is in a relationship yet both of them still pushed through with their illicit love affair, good thing is yung kapatid ni girl nagsabi sa kuya ko na ganun na nga ang ginagawa ng ate niya and that she was already pregnant na pala. It was also funny kasi our dad is also transferred sa home town ni girl, then aloof na aloof siya kapag nakikita niya ang dad ko during their conferences at wait there's more, si girl is assigned sa station ng Lolo ko 😂 so there naglalakad siyang walang ulo sa harap ng daddy at ng lolo ko.. For me, kahit ano pang maging rason mo, it's wrong to do illicit affair kahit magkalayo kayo ng bf/gf mo, if you really feel na it's not going to work na, makipag hiwalay ka ng maayos, leave with a clean heart and conscience, start anew with a grateful heart, yung hindi mo iisipin na naka sakit ka ng tao dahil sa consequences ng actions mo. Start with a clean slate at all times. Eto naman experience ko, I was in a relationship for 8 long years prior to knowing my husband, Sa 8 years na yun, it was a roaller coaster hell of a ride. Masyadong magaan ang kamay niya and napaka over power niyang tao. Nasasaktan niya ako physically and emotionally. Literal na sakit ah with bruises on the side. It was in the year 2018 when I finally decided to end it up, but prior to that so called quits, nagkahiwalay rin pala kami nung apat na taon kami for 8 months due to same reason 😂. medyo head over heels kasi ako noon. Going back, noong may seminar ang mga pharmacist sa manila, our friends invited me up to have a dinner with them pero sinabihan nila ako na andun din si guy with another set of pharmacist na tropa din nya. Pumayag naman ako, then ayun they went sa table namin asking if he could ask for my spare time na makapag usap kami, so pumayag naman mga friends ko, sa katabing table lumipat kami. So ayun after mag usap ng matino, at magsabi ng mga damdamin, okay na official na wala na. Pero on my end, sabi ko babayaran ko yung money na nahiram ko sakanya, i even mentioned it with her sisters thru chats, sister niya is engineer and a lawyer sinabi ko na ate its over na po, thank you, then i will pay po for my dept, in a staggard way lasi I can't pay in full as I was under medication din. All of them sinabing huwag ko na daw bayaran, pero ayaw ko, ako ang umayaw dahil ayokong yung amount ng money na nahiram ko is yun ang maging face value ko, i took the initiative of paying it, yun din naman ang sinabi ng mommy ko, magkaiba ang utang sa hiram, utang yun magbayad ka. As of now, sabi ng mga barkada namin nahihiya daw siya sa parents ko dahil sa mga nagawa niya sa akin, at nahihiya din ang side niya sa family ko, one time nakita ko parents at bunsong kapatid niya sa mall, lumapit pa ako at nakapag mano dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong dpat ikahiya at wala naman akong ginawa o pinakitang masama sa kanila, wala akong masamang tinapay sa kanila 🙂 so my answer is it depends.

Magbasa pa

Yes. Kami ng daddy ng baby ko since elementary we went the same school First love and first crush ko sya. After a decade nasa abroad ako. Last 2018 nag chat kami and naging okay kami for 15 days. Kaso nakielam ex nya so nawalan kami ng communication. Then yung common friend namin tumawag sakin (lalaki) nakita nya ako na kausap yon inagaw nya yung phone sabi nya unblock ko daw sya mag usap kami. So i did pero madalang lang kami mag usap. May gf sya that time then umuwi ako 2019 ilang days palang ako gusto nya daw kami magkita for closure sabi ko okay. Then simula nung araw na yon niligawan nya ako ng maayos humarap sa family ko. Minahal sya ng pamilya ko. Now we're happy and waiting nalang sa angel namin. Ang swerte ko kase sobrang mabait at maasikaso nya. Dapat kasal na kami nung march kaso naabutan ng lock down. Walang mawawala kung susubukan. Well i always take risk sa buhay ko 😀

Magbasa pa
5y ago

anong connect neto sa tanong?

Hell no. Respect sa mga bago niyo. Be sensitive enough sa mararamdaman ng partner niyo. Leave the past behind. Masakit yun sa part ng naiiipit. Yes, may pinagsamahan kayo let it be months or years pero past na yun. That communication may lead to some connection na pwedeng mag-bind ulit sainyo causing to ruin the present relationship you are in. Sabihin na nating hindi tayo/kayo madaling matukso pero who knows. We can't tell what can be next. Respeto na lang sa kanya kanyang buhay. "Forgiveness doesn't need reconnection. You can't be friends with someone who chose to hurt you. It's just between these two: you still love each other or the love paced out and reconnecting with each other will lead to hope of getting back together."

Magbasa pa
5y ago

True

For me it's a "BIG NO" EX na bakit mag eexist pa dba? Nung panahon naging kayo ni partner di naman siguro ginulo ng Ex niya relasyon niyo. So be matured enough at mag pakalayo layo kase di naman hahantong sa hiwalayan kung hindi naman sinaktan ang isat isa nung panahong may sila pa at hindi naman maghihiwalay kung naalagaan ng husto relasyon nila, what more being friends pa dba nag failed nasa simula bakit may friends connection pa. Saka di naman siguro lahat ng Exes e okay maki pag friends kase di naman nauubos ang tao sa earth. Sabi nga kilalanin mo sino kakaibiganin mo di lahat ng kinakausap ka ei tao na humaharap sayo. Just Saying lang hehe. Kaya it's A BIG NO FOR ME!♡

Magbasa pa

Friends na as in close? Hindi siguro. Casual lang. Pero pag sinabi kasing friends napag oopenan mo ng problema at pwede kayong magbonding together. Kaya for me it's a no. Not because bitter kayo sa isa't isa. Pero dahil nirerespeto nyo yung mga present partner nyo. Kung single pa rin kayo pareho lalo na kung may anak kayo baka pwede pang maging friends. Pero kung in a new relationship na kayo di na maganda tingnan na friends pa kayo. Kung dating manliligaw lang at di naman naging kayo para sakin walang masama na friends kayo. Kasi wala naman kayong naging ugnayan. May manliligaw ako before na kinuha akong ninang ng anak nya. Kasama ko pa husband ko sa binyag haha

Magbasa pa

Depende kung gaano sila ka-close outside of their relationship. May ex ako na friends muna kami bago mag-date, and months after breaking up, we became friends again. Wala naman problema, lahat ng na-date nya alam ang history namin, close pa nga ako dun sa isa kahit silang dalawa na mismo ang nagbreak 😅 si SO din at itong guy na to, friends na kasi pinakilala ko, and aware din si SO aa history namin. Siguro it helps na walang nangyari sa amin nitong si guy and date date lang talaga. Kasi kung meron and/or hindi maganda ang break up namin, baka hindi na rin kami nag uusap. Magni-ninong pa nga sya sa baby ko 😂

Magbasa pa

Me. I am friends with most of my ex kasi most of them naman ay same city Lang so imopsible na di magkita. I will say it depends pa din. Ako friends ko sila but it took time. Ung tipong ex ko sila high school days and now mga may anak na kami so super by gones na. Pag fresh pa Ang break up impossible maging friends. Niloloko nyo lang sarili nyo nun. Or kung super bigat ng dahilan Ng break up impossible na din. Siguro this will only apply sa mga matagal ng break na Hindi Naman ganun naging kaseryoso ang relasyon or Kung naging super seryoso man eh maayos Naman Ang break up at matured na ngayon.

Magbasa pa

Yung one great love ko, mahal na mahal ko sya and mahal nya ako... katunayan may nangyari sa 'min... pero never naging kami dahil ayaw talaga ng tadhana... lagi may nangyayari nun... six years din kami nagmahalan ng patago or parang hindi maka all out... nag simula kami as very close friends hanggang sa nagka in love-van pero wala eh... matagal din namin natanggap yun na hindi kami sa isa't isa and naging close friends nalang talaga kami... ngayon may husband na ako, sya may asawa na and both may anak... friends pa rin kami hanggang ngayon... both faithful sa partners namin and happy. :)

Magbasa pa

Ako ung 2 na ex co friends kami ung isa kasi pinsan sya ng husband ko kya nagbobonding pa din pag my time. Ung asawa lang nya ang na akward kasi daw naging mag jowa sila habang jowa ko pa si ex kaya kmi naghiwalay. Ung isa naman ininvite nga ako sa wedding nya kaso d ako nkapunta due work schedule tapos nung namatay sya 2 years ago tinawagan ako ng kapatid nya to say sorry about what happen in the past. Nasa na inyo naman yan how you handle eh. At dapat open ka sa partner or asawa mo about sa ex if ever friends kau ng ex mo.

Magbasa pa

for me Ok lang naman .. kami kasi ng ex ko 4 years kaming nag sama sa iisang bubong.. tapos nagka tampuhan then nag hiwalay.. then after a year na meet ko na hubby ko and yung ex ko meron na rin.. tapos bigla akng chinat ng ate ng ex ko kasi ninang ako ng baby nya.. ngayon nag meet kami.. pero Ok lang naman kasi past is past na eh.. wala nmana din kami samaan ng loob sa isa't isa.. then yung hubby ko Ok lng nman din sa kanya kasi alam nyang nka move on nko..

Magbasa pa