16 mos old late talker

Hello Mommies. Tatanong lang po kung sino nakakarelate sakin. Yung anak ko 16 mos old na pero hindi pa nagsasalita. Yung Mama minsan ko lang marinig sa kanya. Madaldal pero hindi maintindihan sinasabi. Hindi pa din marunong makipag usap na intended para sa kausap. Nakikipag peekaboo, high five, give something na hawak nya, sit down, lie down, may eye contact, pero kapag kakausapin ko na, madalang tumingin except kung makikipaglaro ako sa kanya. Waiting ako mag 18mos sya for assessment ng dep pedia. Anyone who can enlighten me if my baby is still in normal development? Thank you.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ang baby ko din is 1 and 6mos. literal tatatta dadadada bababbaaba pa lang. marunong magbless mag kiss align appear dikit sit down eye contact 7/10 . name nya pag tinatawag, lumilingon naman. di pa nya ako matawag na mama or papa. peekaboo nakikipaglaro din. pag nasa labas ok naman sya sa mga bata nilalapitan nya. minsan sinusubukan ko sya, kunyari iiyak ako, iiyak din sya yayakapin nya ako. kasi hindi sa panganganak natatapos ang worries ng mga nanay. sa dev ni baby din 1-2 yo. aware din ako sa asd. kaya pinagmamasdan ko lagi si baby. nung nagstart na sya nagwalk (1year) talking naman ang hinihintay ko. kaso di pa sya. pero yung mga abilities nya na nabanggit ko, i dont know if sapat na yun para makalusot kami sa asd.

Magbasa pa

Tanong ko din my 21 months old din ako hyper na bata,maronung na cxa mg identifiy ng numbers 1 to 10 sa flashcards kahit Hindi mg kasunod,at mga 20 letters sa alphabet pero d cxa makigpag usap samin.kung my gusto cxa Hawakan lng nya kamay namin at pintal sa gusto nya.may ganito din ba kayo?salamat.

Kamusta po ang baby nyo? Ano po ang assessment ng devpedia?Ganyan din po kasi ang baby ko. Madaldal pero hindi maintindihan

2y ago

Di ko pa po napacheck. Madaldal po pero di maintindihan. Madami na alam na words if we will ask her pero she can’t use it to communicate.

Hello. kumusta napo baby nyo ngayon? nakapagsalita na ba? same case kasi sa anak ko

kelangan nyo po syang kausapin parati momsh..