Pampers overnight
Hi Mommies! Sino po tulad ko dito na suki ng Pampers overnight pants (yung 2pcs per pack)? Mas mura kasi sya kapag sale ang pampers and legit na no tagos overnight. Kaya lang, I am concerned sa plastic nya. Bumibili ako ng maramihan pag sale para stocks, pero ang dami ko nang naiipon na plastic nito. Nakaka guilty na makita ito sa basurahan (guilty na nga ako kay mother earth dahil gumagamit si baby ng diapers, hindi ko naman mapagamit ng cloth diapers dahil wala talaga ako time maglaba, working mom and fulltime mom din ako, no yaya or kasama sa bahay) Ano pong ginagawa nyo sa plastics nito? Madami na din kasi ako naipon 😅 #advicepls #pleasehelp #1stimemom #firstbaby #guiltyhere