Nananaginip si baby

Mommies, sino po nakaka experience sainyo neto sa mga lo nyo? Na umiiyak si baby habang tulog. Bale po kse ihehele ko muna sya, tas mga ilang minuto lang ibababa kona po sya sa higaan nya tas po mga ilang minuto lang dn after ko sya mailapag sa higaan nya, bigla bigla nalang sya iiyak habang tulog. Simula nung nag 4 months po sya ganyan napo sya gabi-gabi habang tulog. Madalas po, iiyak sya tas nagigising nalang bgla. Nakakaawa lang po kse, nabibitin Yung tulog nya na ang himbing himbing pa naman๐Ÿ˜”

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

yes,4 mos old baby boy ko ganyan nangyari kahapon ng madaling araw ginigising ko Kasi sumisigok na sya indication na humahagulgol na sya sa panaginip nya tapos Yung kilay nya is magkasalubong na din. Ang tagal nya nagising niyugyog na namin,tapos nung nagising sya bumuhos Ang luha sa mga Mata nya as in Yung iyak na pwersado Kaya kinarga ng daddy nya,nung Hindi tumahan kinuha ko at hinihele ko sya,awa ng DIOS tumahan naman sya hanggang nakatulog na ulit,bilang Ina medyo masakit sa puso Makita syang ganun Mula ng dumating sya sa buhay namin,sa buhay ko nagiging sobrang lambot na ng damdamin ko na kahit sa ibang baby nahahabag ako ๐Ÿฅบ he's our only child

Magbasa pa