Hindi pantay ang mata.
Hi mommies sino po dito ung anak nila hindi pantay ang mata bali maliit ang left side compare sa right. 2 months old pa po si baby at medyo halata na hindi pantay ang kanyang mga mata. Minsan may mga muta yong left eye na mata nya. Possible po ba na hindi pa develop ang kanyang tear duct kaya maliit ang left eye?
my son is a premie baby, hindi pantay ang mata. maliit yung left eye compared to the right. sabi ng pedia, consult kami sa pedia optha, but as the day goes by, nagpapantay naman yung mata nya eh. minsan hindi minsan oo. i have a friend na ganun din ang anak, hinayaan lang daw nila ngayon naman pantay na ang mata. kaya ganun din ginagawa ko, minsan pag tulog sya minamasahe ko yung mata nya and pray lang palagi kay God and be positive lang tayo momshie
Magbasa paganyan din baby ko dati..pro ngaun 3 month's na siya ok na nmn..pantay na ung laki..nagmuta din un pro sa right eye..pinapatakan ko lang lageh ng breast milk pag may pagkakataon tapos malambot na bempo gamit ko panglinis sa muta nya ung medyo basa sa maaligamgam na tubig
Baby namin ganyan minus the pagmumuta. Kusa naman syang pumantay over time. Hindi naman kasi talaga 100% pantay ang mata ng tao. Pero para sure, still best to consult your pedia on your next visit.
About sa tear ducts sis nagmumuta rin sa LO ko since 10days old palang siya umabot ng 1 1/2mos ang pagmumuta niya 2mos na siya ngayon. Massage mo lang pababa medyo kirat din kasi right eye niya.
mga mommies kamusta na po mga baby nyo? nag okey po ba ang eyes nila ung baby boy nin ganyan din po ang prob di po pantay ung mata nya halos kaka isang buwang pa lang po ni baby
Baka po bi-eyed. Baby ko bi-eyed. Mana saken yung isa, sa tatay yung isa kaya yung facial expressions niya nakuha niya lahat samin pareho din.
I think po kasi chinese ang father. Pero mom most of the times pantay na ang kanyang eyes. 5 mos na sya ngayon.
hello moms same po sa bebe ko .. left po niya parang singkit tapos ung isa bright namn.. 20days pa lang namn siya.. nag aalala din ako 😢
Hello mom, 5mos na ang baby ko. Most of the times pantay na ang kanyang eyes. I think ganyan din sa baby mo. Kasi nagdedevelop pa ung eye muscles nila.
3 month na po ang baby ko maliit ang kanyang left na mata.7 month palang umanak na po ako papantay po ba ang mga mata nya
Hi mom kamusta na po baby nyo ? Nag normal na po ba yung mata nya ? Same kase sa baby ko 2mons sya ngayon maliit din yung left eye nya
hello mom, 5 mos na ang baby ko. Minsan maliit parin ung left eye but most of the times pantay na. Hopefully magiging ok na.
ung baby ko din po ung left eye nya singit kumpara sa right eye nya 5months old na baby ko magpantay papo ba 2 momies ?