3 months old parang gusto na Tamayo 😅
Hello mommies, sino dito may baby na mag 3 months old palang pero parang gusto na tunlmayo😅. Baby ko ang lakas ng mga tuhod. Pag hawak ko sa may kili kili tumatayo haha. Minsan naman pag nakahiga gusto bumangon. Pag may unan siya kaya niya iangat ulo niya parang kalahati ng katawan naiiangat. #firstbaby
baby ko din.. mag 2months palang nung tumatayo na siya habang inaalalayan ko siya. pero gusto ko kasi nasa proseso lahat magmula nung 1 month siya gusto ko lang siya kantahan habang natutulog . nung bago mag 2months gusto ko naman yung dumapa siya pero nauna pa yung pagtayotayo niya napapansin ko na na mimiss ko yung mga moments parang ang bilis naman parang kailan lang di pa niya kayang gawin yung pagtayotayo.. kaya ngayon mag 3 months na siya pinapadyak padyak na yung paa niya kapag may music tska natutuwa siya kinakausap niya yung mga kumakanta or parang sinasabayan niya sa pagtili niya 😂 nakakatuwa pero nakakamiss.. sabi ko kahit di m pa ako naiintindihan baby don't grow up so fast muna ahh.. mas ma mimiss ka ni mama 🤗
Magbasa pasame sa baby ko. pag tinatayo ko siya gusto pa niya yung lumulukso lukso. kaka2 months lang niya nung feb.26. and nung umaga nung feb.26 thrice siya dumapa ng kanya lang. diko lang navideohan kasi masyado akong namamangha sa ginawa niya 😆 sobrang likot akala mo orasan kasi naiikot na niya yung higaan niya.
Magbasa paganyan baby ko kaka2months palang pero ayoko masanay muna sya ng ganun dahil masyado pang malambot buto nya at di nya pa kontrolado lalo na ulo nya nakakaya nya na ng walang alalay ginagawa ko kamay ko nakahawak sa batok nya
mommy alalay lang ganyan talaga sila... nagdidiscover pa ng kanilang kakayanan pero you have to be careful and wag makampante na matigas na tuhod nila... mahina and brittle pa din yan at di pa masyado develop...
ganyan n ganyan baby ko 3months old momsh basta may mahawakan xa babangon xa at minsan natayo din tigas ng tuhod .. pero xmpre dapat alalayan baka kc mapilayan mahirap na 😊😊
same here mommy talagang magpupunilit sya bumangon natatakot nga ako sa pagpupumilit nya baka mapilayan sya ang ginagawa ko binabalik ko ulit sya sa dating pwestp na nakahiga
Ganun po talaga mommy.. Iba iba po talaga development ng mga babies😊 alalayan niyo lang po mommy😊
ganyan din po si baby kaya alalay lang po lalo dpa nya kontrolado ung galaw nya