Hi mommies, share Lang po sa experience ko today.. ganina 6am I ran for emergency talaga I got bleeding and contraction interval ko sobra ng pasok 3-5 mins nag last 45 sec to 1 min talaga. Nahihiya ako man disturb ng kapitbahay dahil dito subdivision namin mga tao hapon mona Makikita dahil pang gabi work nila. So I drove myself with my helper going to hospital with my OB’s advise. Naluluha while driving lage kong sabi kay baby “kunti nalang anak, malapit na tayo.. at pag traffic e nahuhuli ako patakbo lalot nag contract na naman.. naka hazard nalang ako lage. at yon, got injected for preparation daw yon para lungs ni baby.. Baka lalabas na cya anytime at dahil 34 weeks pa po ako.. (si god nalang po bahala sa lahat). 2nd dose para bukas naman kasi after 24 hrs. At the ER sobra sakit pinasok sa akin napasabi pa ako “pls doc wag pilitin kong di pa lalabas si baby ayaw pa nya pls, sa sobrang sakit, napaihi na talaga ako.. pero before po naihi ako, nagsabi naman ako ka doc, sabi nya ihi kalang.. di na talaga ako nahiya. Ganun pala yun, wala ng kimikimi. Ang dami pa kinabit sa than ko for babies monitoring,etc. para na akong lalapain dahil naka strap sa tyan at mapasabi Ka po talaga “pls doc, Baka naiipit na si baby Baka mahirapan huminga “ all po non are for monitoring. Di naman ako na admit at thanks God safe po kami ni baby.. Tanong pa ni nurse “sino po Kasama mo mam May papirmahqn Lang po.. asan mister nyo” sabi ko, wla po.. iniwan kami ni baby.. natahimik po si nurse, binawi ko din “ sabi ko iniwan kami ni baby sumampa na pong masaya magka baby na kami❤️”
Whenever contraction ni baby di na maganda at nag bleed tayo rush napo deretso hospital, tell our OB para po guided tayo.. thankful naman ako Kay OB ko very attentive sa patient kahit wala pang tulog at kahit madaling araw mag rereply at tatawag. Di po ako naadmit at sana/praying safe delivery sa full term ni baby soon on December 30 EDD. Nang makapagpahinga, ako Lang din nag maniho pauwi buti di traffic.. 1hr travel. Thank you TAP mommies for the advise to purchase pregnancy belt for car..(nag post na din kasi ako dati)
Thank you po. Masyqdong Mahaba.
##pregnancy FirstimeMom