Magkano nga ba ang Lab Test para sa Buntis?

Hello mommies! Share ko lang magkano nagastos ko sa lab test ko for moms na hindi pa nakakapagpalab test. Sana makatulong? Btw, sa Hi-Precision ako nagpalab test. (Not Sponsored) OGTT- 550php (Masarap yung pinainom sakin dito, unlike sa nababasa ko sa iba na nasusuka sila bc of its taste na sobrang tamis daw, yung sakin "cola flavor", so ayun lasang coke sya, yes matamis sya pero masarap. Lalo na for me na nagccrave ng coke?) Urinalysis- 110php CBC- 120php Uric Acid-95php Blood & Rh Typing- 220php HBsAg (Rapid) Screening- 160php RPR- 150php Total of 1,405php Ang kagandahan pa sa Hi-Precision is pwede nyo na makita result nyo online after 4hrs or kinagabihan, just go to hi-precision.com.ph then enter nyo lang yung binigay sainyo na username and password and that's it! Kita nyo na ang record nyo. Plus NAPAKALINIS ng clinic nila at mababait din ang staffs?? I-search nyo nalang sa fb yung branches nila?

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Baka mag hi precision na lng ako mag OGTT. Baka yung nakakasuka ang ipainom sa akin sa hospital e 😂

Anong hospital po affiliated si Hi-Precision saka saan po sya? Tayuman po ako, baka malapit kami dyan ☺

5y ago

Stand alone clinic po ang hi-precision, pero I think acknowledge siya ng major hospitals since isa si HP sa mga nag-ooffer ng advanced tech/procedures dito sa bansa. :) For branches, visit niyo na lang po itong site. ☺️☺️☺️ https://www.hi-precision.com.ph/branch.do?item_id=1024245077

Yes it's true. Pwede my online result sila kaya mas okay. Dyan din ako nagpalab test

jan dn ako nagpapalab test :) malinis and yes pede sa online makita ang result

Hi sis pag hi precision ba, kelangan may request ka from doctor?

Wow mura sis.. sana dyan nlng dn ako nagpaLAB nun

Bakit may uric acid ka tapos walang hiv test?

1350 un inabot ng lab test ko package na po

VIP Member

Meron po kayang branch sa Q.C?

5y ago

Sayang. Sana pala jan ako napag lab test. Ogtt ko pa lang sa metro north 1400 na. Ang sama pa ng lasa. 😩

Para san po ba yung OGTT?