Single mom na kasama ang biyenan

Hi Mommies, sana may makapansin, i'm a single mom with my 2 months old baby and dito ako nakatira sa in laws ko, and namatay na yung asawa ko 4 months ago, unang apo nila sa panganay na anak ang baby namin. Napapansin ko na hands on sila masyado kay baby lalo na si MIL, to the point na kakarga ko lang para patahanin si baby ay kukunin na agad ito sakin, tapos kapag playtime napapansin ko na lagi na lang nag iinterrupt si FIL kapag nilalaro ko si baby kaya tumitigil na lang ako at hinahayaan ko, nahihirapan ako magvoice out sakanila dahil wala na nga yung asawa ko. Then,lagi na lang sinasabi kapag kausap nila baby ko na 'mommy lang or daddy lang' (mama naman ang pagtawag sakin) and isa pa lagi ko pinagbabawal yung paghalik muna kay baby , pero hindi sila makaintindi, kiss sila ng kiss.Diba, dapat support system sila pagiging parent ko sa baby ko?any comments and suggestion ng pwede po gawin. Salamat.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello. Advice ko is umalis ka na. There's no reason for your to stay, namayapa na asawa mo. Mas may karapatan ka sa anak mo kesa sakanila kaya you can do whatever you like. Pwede mo silang bisitahin na lang with your baby. It's not you and your babys obligation na pasiyahin sila. Esp na ganyan they don't respect your parenting. Hindi naman sa heartless ako at selfish. Pero ganon talaga eh, wala silang hawak sayo, they dont have any rights over you. At kailangan mong pangalagaan ang mental health mo at pagiging nanay mo. Kasi kung mag i-stay ka at hindi ka naman nag bo-voice out magkakaroon ka ng mental heath problem at madadamay ang relationship niyo mag ina.

Magbasa pa
3y ago

mommy, paano ko sasabihin sakanila na gusto ko na bumalik sa parents ko? nung time na namatay si husband ko po, nakikiusap sila na wag ko raw ilayo si baby sakanila, and nakapagbitaw ako ng salita na hindi at dito lang siya, pero iba pala magiging situation kapag lumabas na si baby, sa part ko ,ako pala ang mas mahihirapan at masasaktan

It's your choice mommy kung mag stay kapo sa kanila or hindi. kasi sa batas naman po, once na ang husband or wife ay namayapa na ay wala na pong kaugnayan si wife or husband. You can choose to stay wherever you want po. Better po sa family mo po para mas may support system ka po at maibigay mo po ang parenting style na nais mo po na hindi ka kinokontrol ng sinuman. To give them respect pwede mo naman sila bisitahin nalang po kasama si baby.

Magbasa pa
3y ago

tapos if ever na di pa ako aalis dito sakanila gusto ko sana na bumalik na kami sa room namin, until now, dun kami sa room ng in laws ko natutulog ni baby kasama sila, and ang winoworry ko baka di ako payagan at sabihin na di ko kaya alagaan mag isa si baby and kay baby na lang nila binabaling yung attention nila para di sila malungkot sa pagkawala ng anak nila.