Cetaphil or Dove?

Hi Mommies question lang ano mas maganda kay baby?

Cetaphil or Dove?GIF
38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nung unang 6 months ni LO ko.. Lactacyd gamit nya. Then nag organic liquid soap ako from Thailand bigay ng ninang nya. Hiyang xa dun. Pero na ubos na at ang mahal.. Kaya nag babyflo xa na oatmeal liquid soap.. Di xa hiyang kc madalas xang magka bungang araw. Nag switch ako sa cetaphil. Nawala ilang days lang. Hope it cud help..

Magbasa pa

Na try na namin yung baby dove na sensitive. Okay naman yung skin ni baby kaya lang di ako kontento kasi as in walang amoy which is tama naman tlga para sa newborn. Preference ko lang na may mild na amoy while still being gentle sa skin ni baby so nag switch kami sa cetaphil yung with calendula. Mabango sya at makinis din sa skin ni baby.

Magbasa pa

yung baby ko Johnson's bar pro madalas syang mag bongang araw lalo ngayon na mainit..gustuhin koman bilhan ng iba pro wlang budget kaya yung dating makinis na balat ng baby ko ngayon madalas may rashes. kalamansi nlng nalalagay ko sa tubig pang ligo nya medyo nababawasan naman na

dove po unang gamit ni baby pero di umayos skin nya, nagbubutlig at dry. nung nag cetaphil, wala pang 3days makinis na agad si baby. pero depende pa rin po yan kung saan hiyang si baby mo. 😊

2y ago

ganito po gamit ni baby ko ngayon.

Post reply image
VIP Member

Cetaphil for us if for newborn upto 1yo. Nagtry kami ng dove bath kaso nag flare up ang eczema ng baby (dun na din siya nadiagnose namana sa akin) ko so we stopped.

Try mo sis tiny buds rice baby bath sis. Mild and gentle kaya di nakakadry ng balat ni lo. Iwas rashes. All natural din kaya safe 🧏🏻‍♀

Post reply image

lactacyd si baby noon tapos mga 4 months nubg pawisin na nag dove na kami sa cetaphil kasi grabe ung pawis nya unlike sa dove mas fresh sya.

Cetaphil po adviced NG Pedia ni baby...Yun daw po kasi ang best sa skin types NG mga newborns and babies dun daw po mostly hiyang mga babies...

Every has different skin. Pero si baby cetaphil. 🙂 we tried dove pero nagbubutlog sya dun . . Bumalik kami sa cetaphil

TapFluencer

depende po kung san hiyang ang baby nyo. try nyo po muna both kung ano mas okay yung maliit na size lang po muna bilhin nyo.