Skin essentials

Mommies, pashare naman ng mga beauty essentials nyo. Nagtry kase ko ng ryx toner tapos ngayon parang panliha na yung muka ko. Ang gaspang at super dry. Nagbabalat din sya. St. Ives moisturizer naman ginagamit ko since madame pa. Ano kaya pwede ko gawin para mawala ang hapdi at pamamalat ng muka?#1stimemom #advicepls

Skin essentials
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello po nung nag start na ko magbuntis - nag stop na ko ng mga Korean skin care ko. I switched to natural skin care na walang pampaputi po. Nabasa ko kasi baka may magamit tayo na pedeng makaharm kay baby. Ung body lotion ko niswitch ko din to Aloe Vera lotion dahil ang katawan daw ng buntis magging makati and mainit. I'm now 7 mos. preggy, sabi ng ob ko maganda pa tummy ko kasi walang stretch marks ^_^ Pero nagdry din some parts ng face ko and leeg nung 1st and 2nd trimester. Ung sa face mahapdi minsan - namula pa. Aloe Vera lang din nilagay ko pero matagal bago cya nawala. Hinayaan ko na din kasi part un ng pregnancy. Minsan ko lang naman dadanasin to and sabi nga ng friend ko, kinukuha ni baby nutrients mo, so ok lang. Masaya na ko sa thought na baby is getting it kapalit ng konting discomfort ko.

Magbasa pa
Super Mum

usually po kasi exfoliant po talaga yung mga ganyan kaya may peeling. stop nyo po muna ang paggamit if mahapdi.