Feeling unloved π
Hello mommies. Pasensya na po sa abala pero gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob. Wala po kasi akong ibang mapagsabihan ng nararamdaman ko. Nasasaktan po kasi ako dahil hindi ko maisip pano natatapos ang araw at nakakatulog partner ko na hindi man lang kami kinakamusta ng anak niya? Hindi po kami magkasama sa bahay. Nasasaktan ako kasi pakiramdam ko hindi niya talaga kami mahal at hindi pa siya handang maging tatay. Wala na ngang pakialam samin ng baby ko yung pamilya niya, ni hindi kami magawang kumustahin mula nung malaman nila na buntis ako, pati pala mismong tatay ng anak ko ipaparamdam sakin to. Meron po ba talagang lalaki na hindi kayang manindigan? Naaawa ako sa baby ko dahil hindi niya deserve yung ganitong treatment. #1stimemom