first solid food

mommies, panu po ba gawin ang first solid food ni baby?

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Sabi ng pedia ng baby ko. Nung nag first solid food (6 months old) Gulay muna ang unahin. Yung mapait. Yung ampalaya. Para daw masanay na d muna matatamis. 3 days ang introduction ng food. Example: 3 days ampalaya, 3 days kangkong, 3 days apple para daw malaman kung mag aalergy si baby, para alam mo agad kung saang food. Pwde mo alternate na, gulay ngaun after 3 days prutas naman. Then gulay after 3 days vice versa Ginawa ko sa ampalaya, nilaga at ni blender ko. Yun pinakain ko. Konti lang naman mga naka 6 tsp sha. Tapoa non, absolute na water or wilkins.. tas pinadede ko rin pala. Mga gulay na na try ko. 1. Ampalaya 2. Broccoli 3. Malunggay 4. Sayote 5. Talbos kamote 6. Petchay 7. Kangkong 8. Bok choy 9. Sayote 10. Kamote - constipated 1. Pears 2. Banana 3. Carrots - constipated 4. Papaya - allergy 5. Apple 6. Carrots/sayote 7. Bokchoy/beans Usually ganon, laga ko then blender pag saging mushed. Ayaw ng pedia doctor ko yung mga cerelacs or gerber na nabibili sa mga grocery store. Kasi mas maganda pa rin daw yung natural na prutas at gulay.

Magbasa pa