NEWBORN

Mommies pag niluluguan niyo po si LO niyo na newborn palang binabasa niyo rin po ba ang pusod?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Oo sis okay lang basta wag mababad sa tubig baka mag nana. Ipa air dry mo agad paypayan mo wag gagamitin ang bibig pang ihip sis ha. Lagyan mo din ng alcohol bulak then tap tap mo lang ng onti sa gilid gilid pampabilis yun matuyo pusod ni baby at wag magbibigkis. Ganun ginawa ko sa baby ko ang ganda ng pagkakapitas ng pusod niya😊

Magbasa pa

Mother ko kasi nagliligo kay baby ko noong newborn sya, kasi takot ako hehe di niya binabasa yung pusod ng anak ko. Tapos iwasan niyo nalang po na masagi baka po kasi mahila nyo pag nagpaligo kayo or pag dadamitan na. Tapos alcohol 3x every after change ng diaper.

Kung di pa po sya natuyo/natanggal, as much as possible wag muna po basain. Linisan na lang po after maligo using cotton buds na binasa ng alcohol. Ganon tinuro sa 'kin sa hospital.

Super Mum

Hndi mommy. Tnatakpan namin pusod nya ng tela habang naliligo tapos linis2 nlng ng cotton with distilled water after maligo. Binasa ko pusod nya noong magaling na tlaga.

Skin hindi pg niliguan koh xa..tnatakpan koh ng damit ung pusod nya..31 weeks na poh ako naun..pang 3rd baby na poh xa..d pah alam gender

Okay lang naman po mabasa tsaka saglit lang naman maligo ang newborn di naman babad tapos linisan ng alcohol pusod nya

As per pedia di pa pwede basain unless natanggal na. Alcohol lang po panglinis dapat

VIP Member

No po, iwasan basain yung pusod. After maligo tsaka nyo Lang po lagyan ng alcohol.

VIP Member

Yes sis Mas maganda nalilinis pag naliligo sya tas alcohol mo after maligo.

Super Mum

Yes po. Ang bilin sa amin ng pedia before lagi lang daw lagyan ng alcohol.