3 month old weight

hello mommies!! okay lang po ba na 4.5kg lang ang weight ng 3 month old baby girl ko? madalas po kasi ako masabihan na maliit sya. pati nga po ako as a mom eh nadadamay kasi sinasabi na maliit din daw kasi ako kaya maliit din ung baby ko. nakaka offend po minsan pero hinahayaan ko nalang para walang gulo. eto po pic nya #baby

3 month old weight
18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Oo maliit sya para sa 3months then 4.5 kilos lang sya. Baby ko 1 month and 2 weeks 4.5 kilos na sya and maliit lang din ako. Pero mommy hayaan mo lang sila itulad yung nagiging progress ng baby mo sa baby ng ibang tao. Kasi iba iba naman po ang bawat baby basta ang mahalaga kahit hindi sya mataba o mabigat basta healthy sya ok na yun☺️. Hindi naman sa pagiging mataba ang basehan para masabi na healthy ang isang baby. Tsaka baka di lang talaga sya tabain kaya ganyan lang weight nya.

Magbasa pa
2y ago

Laban lang mii hayaan mo lang sila. Tsaka ikaw ang mas nakakaalam kung ano ang tama para kay LO mo🥰