milk problems
hi mommies, normal lang po ba if hindi umiinom ng gatas? kasi yung sakin hindi po ako palagi imiinom dahil sinusuka ko po pagkatapos kong uminom. pero meron nman times na iinom ako once a day or two times a day kasi nga sinusuka ko ayaw sguro ni baby. meron nman araw na hindi talaga ako iinom kasi masasayang lang. im 3 months pregnant. advice naman po. thank you!
Try mo sis mga low fat milk baka magustuhan mo. Yun inadvice sa akin ng ob ko. Pero much better na consult mo rin si ob para maresetahan ka ng vitamins pamalit ng milk if di mo talaga kaya uminom.
Ok lang as long as you have vitamins for your baby. Eat ka lang din ng healthy food. Usually nga di ka irerecommend na uminom ng milk kase yung ibang milk mataas sa sugar. Nakakalaki agad ng baby.
it's not necessary to drink anmum or anumang gatas for preggy. it's actually more sugar for you. basta ba iniinom mo vitamins na nireseta ni ob mo at kumakain ka ng tamang pagkain, okay na yun :)
Ako sis hindi nainom ng gatas.. Isang buwan lang siguro after non suka na ko ng suka.. Nasasayang lang. So ang reseta sakin ni OB 2x a day ng calciumade kung di ko talaga kaya mag gatas
Try another brand momshie, kasi hiyangan din talaga. But kung hindi mo talaga matolerate, ask your ob for calcium tablet. Para you still have the calcium intake dahil share kayo ni baby
Every pregnant woman is different, i think normal lang yon, if di ka talaga comfortble bat gagawin dba. Ako nga Milo at Kape hahahaha π Just take your vitamins lamg and always pray.
Wala naman kinalaman baby dun kasi hindi naman direktang pumupunta sa kanya ang iniinom mo at kinakain. Dinidigest pa din yun ng tiyan mo at nagiging nutrients papunta sa kaniya.
Hindi dahil hindi gusto ni baby kaya nasusuka. Try just fresh milk hindi yung maternal milk. Ako normal milk lang ininom ko and kumakain akong tama. Healthy naman all my 3 kids.
hindi rin ako umiinom ng gatas. from my first child (girl) to second (boy) okay lang naman sila now. kahit ngayon na im 5 mos preggy. pero more on fruits po ako.
Ako nga hindi nagmaternal milk ever since. Wala din naman sinabi ob ko about sa pag inom ng gatas. Magsabi po kayo sa ob nyo para maresetahan kayo ng vitamins and calcium.