6weeks and 1day Sac palang nakita

Hello mommies? Nagpa transv po ako kanina sad to say yolk and gestational sac lang po nakita. Normal po ba yun? Pinapabalik ako after 2weeks. Possible pa kaya magka embryo? Sobrang worried po ako. Sino napo nakaranas neto? Share naman po ng experience niyo. Nagbrown discharge dn ako nung isng araw e.#1stimemom #advicepls #pleasehelp

6weeks and 1day Sac palang nakita
7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Just sharing. First PT ko is Dec. 1, positive. Then nagpaconsult na kmi agad ng partner ko sa OB-Gyne by Dec. 3. Pinagtransvaginal utz din ako right away, at sabi Ng OB, 6weeks and 1day same sayo mommy. Sa case ko, may Nakita nang embryo si OB, and normal din Naman lahat. Better to get second opinion mommy, para Malaman mo na din agad kung bakit Ganon, well may instances Naman na gaya sayo at sa Ibang mommies. Basta pray lang palagi. God bless.

Magbasa pa

Same as mine po when I was 6 weeks preggy. GS at YS lang, no embryonic/fetal pole. Bumalik ako after a month, nakita na si baby. 9 weeks sya accdg sa size. Pero kung may spotting/bleeding kayo after the consultation kahit brown pa yan, balik po kayo agad sa OB.

Gnyan din Po ako sis Nung ngpatransv ako 5weeks sac p lang sya, then pinablik ako ng Ob after 8weeks pagtransv my nkita ng baby at myheartbeat n din.

maaga pa kasi kaya sac palng yan dn sabi sakin ng ob ko nung nag pa check ako kaya pinabalik nalang ako after 4 weeks

Yes sis. Baka too early lang. Balik ka after 2 weeks. Sabayan mo madami prayers. Eat healthy at pahinga ka maayos.

balik ka po after 2weeks too early pa kasi kadalasan 8weeks po nakikita yung baby

sana po masagot momshies