Compatible po ba?

Hello mommies!! May nabasa ako dito sa asian parenting about compatibility ng blood type. Mejo nagworry ako kung ok naman kaya ang pinagbubuntis ko kasi ang blood type ko ay B+ ang asawa ko naman ay O. Meron po ba same dito na B+ ang babae at O ang husband, okey naman po ba ang mga anak nyo po? Salamat po sa sasagot#1stimemom #advicepls

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same case with me and hubby, although A➕ si hubs while I’m O➕ . As per my OB, may possibility daw na magka-jaundice si baby namin. I read from one article here din sa AsianParent na nagiging jaundice si baby if ang blood type na ma-acquire nya is different from mom’s blood type. Iti-treat kasi ng katawan ng mommy na foreign substance si baby since iba ng blood type thus ia-“attack” siya ng antibodies ng mommy. So kung ang mamana ni baby is blood type ni daddy, possible na manilaw sya pagkalabas. Not sure sa accuracy ng terms na ginamit ko since I’m not from a Medical field 😅 pero eto yung brief explanation from my OB and naresearch ko from reading articles here and there. Hope it helps 😉

Magbasa pa

You can search blood type calculator mii Basta ang Rh niyo both (+) ok yan Ang pwede lng naman maging kalabasan niyan si baby ai posibleng B+ o kaya O+ bloodtype niya mahirap pag ang mother ay negative RH at ang baby ang positive yan ang tinatawag na Rh incompatibility. Anyway kami ni newborn ko magkaiba kami bloodtype ako A+ siya naman O+

Magbasa pa

Nabasa ko rin po ito kasi lumabas sa notif ko. Ito, nagsesearch ako ngayon kung compatible ba talaga kami ng blood type ng asawa ko. A+ ako, sya naman AB+ pero sabi nung OB ko, compatible daw yun kaya nakabuo kami agad.

ok lng po ng B+ sa O+ wag lng B- at O+ kc rh incompatibility tlga un khit anong klaseng blood type bsta prehas na positive, wag lng mging negative ang blood type ng is sa inyo

VIP Member

Hi po. Best to check with medical experts para mas maintindihan ang blood compatibility at para mawala Yung mga myths. Hope that helps.

sa hubby ko po A+ Ako po O+ ung baby ko naman B+ ok naman po ang baby ko walang sakit at nd sakitin napaka talented at bibo panga 😊

same case din po tyo type O nga lng ako at husband ko ay B, yan din po isa sa mga tanong if compatible po ba?

Momshie, Don't worry kung B+ blood type mo, wlang problema dun, wag lng mag RH negative

sakin Naman po B+ ako then sa hubby A+ ang baby namin O+ ☺️Okey Naman si baby .