Umbok na pusod ni LO

Mommies meron po ba dito umbok ung pusod ni LO? 2mos nap o sya pero grabe ung pagpaumbok ng pusod nya, di na kasya ung bigkis sakanya sobrang sikip na 😭😭😭 any tips po para bumaba ung pusod ni LO? #advicepls #1stimemom #firstbaby

Umbok na pusod ni LO
14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yung baby ko nagkaganyan din nung 2 months sya. sinasabi ng mga matatanda dito samin na dapat daw lagyan ng piso or bigkis. pero hindi ako naniniwala kasi baka ma infection pa amg baby dahil madumi po ang piso. pabayaan niyo lang po sya kasi ibig sabihin niyan, may part sa loob ng pusod ni baby ang hindi pa naghi-heal. Umbilical Hernia po ang tawag jan at karamihan sa mga babies ay nakaka experience po niyan. As long as wala pong problema sa pagdumi at digestion ni baby, wala po kayong dapat ikabahala. lulubog po sya depende po sa genes niyo din dahil may mga lubog at litaw na pusod dahil namamana po sya. nabasa ko lang po. as a proof, yung baby ko lubog na ang pusod. same na kami.

Magbasa pa
4y ago

5 months old na po si baby now. nag sink ang pusod nya nung mag tatatlong bwan na sya.

Post reply image