Unexpected CS delivery

Hello mommies! Meet my LO ♥️ EDD: October 11, 2020 DOB: September 27, 2020 Via CS delivery Just wanna share my experience po. First time mom po ako at maselan po ako magbuntis lagi nasakit puson at balakang kaya madalas po talaga akong nagpapahinga lang.. september 21 ni IE ako ni OB then sabi nya closed cervix pa ako kaya niresetahan nya ako ng primrose.. 3x a day ako uminum non, next check up ko kay OB supposedly september 28 pero september 27 palang nanganak na ako.. Around 1:25am nakakaramdam na po ako ng pananakit ng puson at balakang.. hindi ko po masyado pinansin kasi madalas ko po iyun nararamdaman.. pero nagworry ako nung nagkaron ng 2-5mins interval ang pagsakit.. nakatulog po ako non.. then 3:30am nagising ako para umihi sana.. pero pagbangon ko may tumulo na tubig saken.. medyo madami pero pahinto hinto.. kinabahan ako kaya di na ako natulog nun.. nung may lumabas ulit saken na water nagdecide na po ako maligo para incase of emergency makapunta na agad kami sa hospital. Tapos nakita ko sa underwear ko may yellowish at konteng blood discharge na. Kaya ginising ko na si hubby at si nanay then nagpunta na kaming ospital.. tulo parin ng tulo yung water ko along the way.. pero pagdating namin dun ni IE ako ni OB pero sarado parin daw cervix ko.. bawat pag IE nya panay ang labas ng water.. nakita din nya sa ultrasound na nauubusan na ng water si baby.. kaya nagdecide na kami na CS nalang dahil need na talaga ilabas ni baby.. di ko inexpect na ganun yung magiging sitwasyon ko. Mag isa ako sa operating room bawal ako samahan ni Hubby.. nagpray lang ako at pinagpasaDiyos ang lahat.. at sa awa ni Lord nakaraos kami ni baby ng safe. ♥️#firstbaby

Unexpected CS delivery
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply