Gamit ni baby

Hi mommies! Matanong ko lang po kung anong months kayo bumili ng gamit ni baby? Lalo na po sa mga walang budget. Thankyouu #1stimemom #advicepls #pregnancy #firstbaby

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kame po ni isang gamit ni baby wala pa mag30weeks na po ko sa july 3 hindi ko kase alam kung papanu sasabihin sa asawa ko na bumili dahil hirap din kame sa pera tsaka kapapanganak lang nung ate nya baka yung mga ginamit ng ate nya sa baby nya yun na yung ipagamit sa baby namin kaya di pa talaga sya at yung family nya bumibili kase simula nagbuntis ako family nya gumagastos saken pwera sa mga vitamins ko asawa ko palage bumibili since private ako

Magbasa pa

pag my konting pera pa unti unti.. lagi ako abang ng free shipping sa shopee tuwing 12mn..kht piso deal na socks O bib, pinapatulan ko yan.. gang sa nakarami na ko.. 😅 Taz sa Johnson yung baby soap, baby milk n rice, at oil nakuha ko lng ng 94..abang ng sale lng.. sa pa unti unti makakadami ka.. 😂 diskarte lng ba, kht sa TikTok abang ka voucher sa uni love laki ng tipid din dun sis.. 27 wks preggy pero halos kumpleto na kht essentials..

Magbasa pa

2nd baby ko na and mostly mas naging prepared ko yung used or bigay na kasi mas pinag handaan ko yung bill sa hospital. Ambilis rin kasi lumaki ng baby kaya kung puro bago medyo manghinayang ka rin. Pwede naman wash and wear kung bibili ka onting bago. Keri na yun. Mas mahalaga yung emergency fund.

hanggat may sobrang pera bumibili nako pakonti konti , hirap mag biglaan ng bili😅, factory worker lang partner ko , wala kami pang biglaang pambili😅😅😅, bago ako mag 7 months kumpleto nako lahat ng gamit tas sunod pera naman pampaanak

Mii pwede ka na bumili paunti-unti. Gawin mo lalo na kung online ka bibili, sulitin mo palagi mga free shipping nila. Tapos kapag meron ulit, bili ng another batch. And make sure na kailangan ni baby mga bibilhin, i mean yung magagamit talaga niya.

mostly bigay mga gamit ng baby ko, tapos own preloved ng baby ng kapit bahay namin, doon bumili ako kaya halo halo gamit ng baby ko. 8 months, pa 9 months ko nakumpleto mga needs ng baby ko. Now this coming july, waiting na lang sa baby girl ko 😍

VIP Member

kung walang budget pwde naman ung mga hiram lang kasi after a month pwde mo na agad suotan ng hindi baru baruan si baby. usually 7 months laba laba na at preparation kasi dimo alam kung bglang lalabas na pala si baby

pwede naman po kayong manghiram mii kung walang pambili . ako nanghiram lng akong gamit ni baby sa pinsan ko gaya ng damit . yung binili ko lng gloves saka booties . yun lng kasi ang mura tig 15 isang paris 😁😊

7months na ko nakabili.. Sa shopee at lazada lang sabay2x na order na😄 medyo hassle kasi nun madami pa cases ng covid e unvaccinated ako. Kung tight budget mii madami mura sa shopee talaga at good quality din

VIP Member

at 20 weeks. lalabhan mo pa kasi yun pati para prepared ka anytime. Sali ka sa mga decluttering groups. may mga mommies na namimigay ng mga used clothes for baby. shipping na lang babayaran mo.

3y ago

sa fb search nyo “anything to declutter” or pwede din search “declutter” madaming lalabas na group suggestions. basa na lang kayo ng rules. madalas kapg free nakalagay na free lang dapat at ni selling.