Child Support. Fair and just na hatian ng basic needs.

Hello Mommies! Me and my LIP would like to seek help sa DSWD/PAO regarding fair rights sa sustento ng anak niya sa ex LIP niya since eto na rin naman ang gustong mangyari ni Ate Girl. Nagdemand at nananakot na to kasi dati kaya nakakakuha siya ng 17k per month noon but now unti unti binabawasan ni LIP since may binubuo na kami family with 1 year old baby. And demand ngayon ng nanay ng anak niya is School Fees (50k+ Tuition, bukod pa doon yung Books, Uniform, Other school activities, etc) and now asking for 7k tutor since mahina daw maka-cope up yung bata. And siya na daw bahala sa ibang gastuhin like pagaalaga, food, bahay, etc. Ngayon ask ko lang kung pano ba computation ng supposed to be hatian ng sustento? Parang di kasi fair ang gustong idemand ng nanay ng anak niya. Possible ba ma-grant padin ang gusto niyang sustento na ayon sa luho and lifestyle nila since pinalaki niya sa luho yung anak niya? Or as in basic needs lang ang iga-grant ng court? #childsupport #sustento #PAO #DSWD

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May kapitbahay rin ako noon. Ang girl iyong nakipagbreak sa lalaki dahil ayaw pa niya ng commitment. May isa silang anak. Ang ginagawa ng lalaki ay iyong mama niya ang pinapunta sa school ng bata para mag abot ng pambayad. hindi nila binigay directly sa girl. Kaya nagmake sure si guy na sa kanyang name nakalagay ang receipt ng tuition. Pumupunta rin ang mama ng guy sa bahay ng girl at binibilhan sila ng mag foods at iba pang gamit. Pero masama lng si girl dahil magalit siya kapag gustong hiramin o kaya gustong makita ng lola ang bata.

Magbasa pa
3y ago

Nako same issue din po samin, lakas magdemand about sa sustento pero sobrang damot sa pagpapahiram sa anak. Issue niya below 7 yrs old pa anak nila.