Heartbreaking News

Hello mommies. I'm in a very dark state right now.?Last pregnancy ko, my baby was still born.? Sobrang sakit. But after 2 months lang, na-bless na agad kami ni hubby ng new baby. I am currently 7 mos pregnant. Ginawa namin lahat. We always go to our prenatal check ups, have series of ultra sounds and we also did the congenital scan and all good naman ang result. But last 2 days ago, hindi ko nararamdaman na gumagalaw si baby. Usually may pattern na yung movement niya pero on that day he is unusually quiet. Hindi ako nakatulog masyado kakaisip so kinabukasan pumunta na ko ng clinic to check for his heartbeat. Thank God narinig naman HB niya but the OB required us to have a BPS test(not sure kung BPS nga tawag dun), para tingnan kung okay ang functioning ni baby sa loob. So we got the result, and unfortunately my findings sa kanya. He has water on his brain or aka Hydrocephalus.?? The OB required us to have a second opinion just to confirm kasi baka daw nagkamali lang, so we went to a different sonologist and ganun din ang result. I was so devastated, sobrang bigat na ng pakiramdam ko. Ang sakit na mawalan anak, ngayon fatal naman ang case ng baby ko sa tyan. Pinipilit kong lumaban at maging malakas at umaasang mag susurvive ang baby ko. I'm praying so hard na sana buhayin ni Lord ang anak ko. Ma-ideliver ko siya ng maayos at mabigyan siya ng proper treatment pag-labas niya. Now icclose monitoring itong pregnancy ko and hopefully lumaban etong anghel ko. Nag-titiwala ako sa plano ng Panginoong Hesus. Please pray for me and my baby mommies.??❤ P.S Meron po ba kayong experience na ganitong case? Or may kakilala po ba kayo na may experience na may Hydrocephalus din ang baby nila habang nasa loob ng tummy nila? Ano po nangyari? Malaki po ba chance na maka-survive si baby? PLEASE ENLIGHTEN me po.??? Maraming salamat po.

2 Replies

Ung asawa ng kuya ng asawa ko (ano ba tawag sakanya non) .. EDD nya po is Dec. 2019 but nung nagpa ultrasound po sya ng 8th month nakita din na may water sa brain nya kaya need na sya i ecs.. Then na incubate ung baby nya for 2 weeks po ata kc nagdidilaw din ung baby. Pero ngaun po nasa bahay na sila nag medicate nalang sya injectables. Lumalaban namn po ung bata.

Maraming salamat po sa info.❤

VIP Member

Wala po akong idea sa ganyang sitwasyon. Sorry kung wala akong maiitulong. Ipagdarasal ko na lang po kayo ni baby. Laban lang po 👊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles