No appetite

Hi mommies. I'm currently 16 weeks pregnant and wala po talaga akong maayos na kain since nung 1st trimester ko. 😭 Nahihirapan na'ko. Kapag nagugutom ako, kakain lang ako ng konti tapos masusuka na ko. Parang lagi din may gas sa tyan ko. Dighay ako ng dighay 😭 Dko na alam gagawin ko. Ang laki din ng pinayat ko simula nung mabuntis ako 😭 Pa-advice naman sa mga may same case dito. Salamat po! #pleasehelp #advicepls #pregnancy

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same mii. Ako 10weeks palang and matagal tagal pa bago mawala din yung sakin. Konti nalang kinakain ko pero ending masusuka padin. Di ko na din alam anong gusto kong food. Puro hangin ang laman ng tiyan ko. Praying and hoping na makaraos na ako sa paglilihi. Namamayat din ako now. Pero tiis lang. Kahit nasusuka ako, pinipilit ko kumain para kay Baby. Fighting sating mga mommies na may morning sickness. Ang hirap. Pero tiis lang talaga.

Magbasa pa

Currently on my 19 weeks, same experience ako sis nong nasa 1st trimester pero ngaun nakakabawi na ng kunti. Ang ginagawa ko small frequent diet, madalas akong kumain pero paunti paunti. Kumain ka lang sis kasi hindi naman lahat ng nutrients sasama sa vomit mo. Pag nakaramdam ka ng gutom kain kunti kasi walang madigest ung bituka nagkakaroon din ng episgastric/ acidity sis. Hope will help. Makakaraos ka din😊😊❤️

Magbasa pa

same case mommy pero ako 7 weeks preggy palang isang beses sa isang araw lang ako makakain minsan palagi rin ako nagsusuka halos sobrang nagsusuffer ako madalas sumama pakiramdam ko at walang energy lagi din ako nakakkabag kaya hindi ako makatutok sa electric fan talaga hinang hina ako i hope na pag lagpas ko ng 3 months maging ok nako 1st baby kopo

Magbasa pa

sakin 1st tri lang as in wala talagang ganang kumain kasi sinusuka kolang kahit kanin tubig ayaw ko sumobrang payat din ako ng 1st tri pero ngayong 2nd tri nakabawi bawi nako talagang sinulit kona lahat ng gusto ko kainin nakakain kona hindi narin ako nagsusuka tsaka medyo nanaba naren ako compare sa 1st tri. ang sarap na kumain laging gutom hahahaha

Magbasa pa

Same case sakin momsh! First baby ko din. Grabe talaga selan ko sa food. Hanggang ngayon 13weeks di ko pa din malaman anong gusto sobramg selan talaga. Laki din nabawas sa timbang ko pero sabi ob normal lang daw talaga yun bihira daw ang hindi namamayat dahil sa paglilihi hehe tiis lng tayo momshies makakaraos din tayo :) laban lang

Magbasa pa

same tayo mi. 12 weeks pregnant na ko now, bago ko pa malaman buntis ako, wala na talaga ako gana kumain at nagsusuka until now. 2 months na kong ganito, gutom na gutom na ko kasi lahat ayaw ko kainin. pinipilit ko lang pero sinusuka ko rin after. takot na nga ako bumalik sa OB kasi nababawasan timbang ko, baka pagalitan ako. 😔

Magbasa pa

same tayo sis ako nga bumama timbang ko everymeal suka, lagi may acid ang tyan dighay ako ng dighay nagwowork pa ako kaya sobra hirap loss appetite kahit water jusko d ko mainom kaya sobrang lamig ang iniinom ko tubig para d ko malasahan lahat ng food may after taste saken sobra hirap lalo na pag nasa office .

Magbasa pa

ganyan din ako noon 1 trimester ko, ang gingawa kumain ako ng skyflakes or any ng biscuit nga gusto mo. tapos more prutas like saging huwag lang yong mga acid na prutas like orange .tapos ulam ko saging parin tas may kanin na isang sandok lang. pag sumoka ka ulit kain ka nlng biscuit para may laman ng tiyan mo..

Magbasa pa

Crackers or mag small frequent feedings ka. Ganyan din ako nung 1st tri, pti tubig sinusuka ka. Tyaga lang malalampasan mo din yan. Make sure may intake ka pa din kasi baka madehydrate ang manghina ka. Raise mo din concern mo kay OB, kasi pag msydo severe naman alam ko pwede sila magbigay ng medicine.

Magbasa pa

punta ka sa OB mo sis kasi sila lang makakapag provide sayo ng alternatibe na pwede mong gawin. pero ako nawalan din ako ng appetite pagpasok ng 2ng tri ko pero pinilit ko kumain kasi satin lang umaasa ung baby sa loob. try mo din ung sinabi ng isang comment na magprutas ka

Related Articles