Fetal biometry
Hi mommies. Im 28wks pregnant and nagpa fetal biometry ako ngayon. Baka po may nakakaaalam anong ibig sabihin nyang nakahighlight? After 2wks pa po kasi ako babalik sa Ob ko. Salamat po. #1stimemom #advicepls #pregnancy #pleasehelp
![Fetal biometry](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/topic_1630113064851.jpg?quality=90&height=500&width=450&crop_gravity=center)
![undefined profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
Hi. Ang FL/BPD po, kasama ng ibang nasa result ay kasama sa pagtukoy sa fetal growth o fetal weight ni baby sa inyong tummy. Ang BPD po ay parte ng pagsukat sa head ni baby, bukod ito sa Head Circumference (HC). Ito ay nagpapakita ng distansya ng 2 parietal eminence sa head ni baby. Kaya ito naka highlight ay dahil hindi ito [0.693]pasok sa range na naka indicate sa parentheses sa kanan (0.74-0.84) na maaaring desired na range para sa gestational age ng inyong baby sa tummy. Ang sabi ng OB namin sa sukat ng ulo ng baby, maaring mahuli ito ng hanggang 1 week sa gestational age. Mag aadjust na lang sa estimated date ng delivery. Dahil nakay baby naman kung kailan nya gustong lumabas. Ito po ay aking pagkakaintindi. Para makasiguro, mangyari pong pakitanong sa OB sa darating ninyong check up para po kayo ay kampante sa pagpaliwanag. God bless.
Magbasa pa![Post reply image](https://s3-ap-southeast-1.amazonaws.com/parenttown-prod/multipart/5934760_1630157347909.jpg)